Petrogazz PAPAKABAHIN ang Creamline? Cignal BABAWIAN ang Chery Tiggo!

preview_player
Показать описание
#PVLSemis #PetrogazzvsCreamline #CheryTiggovsCignal

From 9 competeting teams, after the last day of the elimination round, we are down to 4 as we head to the semifinals of the reinforced conference of the 2022 PVL. Magkaron kaya ng kulay rosas na bukas para sa creamline cool smashers laban sa tatlong red teams na Cherrytigo Crossovers, Petrogazz Angels, at Cignal HD Spikers? Walang kaabog-abog ay magsisimula na agad ang ating semis sa November 24 at the philsports arena. Creamline vs. Petrogazz, finals preview na nga ba? Cignal hd spikers babawi sa elimination round loss nila against cherrytigo.
Nagkaron na nga ng konlusyon ang elimination round. Nagtapos ang kampanya ng 5 sa ating mga teams kasama ng kanilang mga import. Maraming salamat kila Laura Condotta ng Army, Odina Aliyeva ng Chocomucho, Priscilla Rivera ng Akari, Elena Samoilenko ng PLDT, at ni Lindsay Stalzer ng F2 Logistics. With their experience playing in our country, baka may mag-ala Lindsay Stalzer sa ibang mga imports na yan ang bumalik muli sa pilipinas in the next reinforced conference. Kaya no goodbyes, just a hello to new chapter!
Ngayon ay ibaling na natin ang ating usapan sa semfinals match on Thursday, November 24. At 2:30pm, we will witness another showdown from the long-time pvl rivals between the creamline cool smashers and the petrogazz angels.
MAdaming fans ang nag-eexpect sa kanila in the finals. But before that, hahainan muna nila tayo ng isang pangmalakasang semis game.
Noong Elimination round ay naubusan ng gasolina ang angels para tunawin ang creamline sa loob ng apat sa set sa mga scores na 25-19, 16-25, 25-18, at 27-25.
Kung ating titingnan ang statistical sheet, hindi nagkakalayo ang dalawang teams sa mga scoring skills. May 56 attacks, 6 blocks, at 6 services aces ang creamline, at hind inga malayo ang agwat nila sa petrogazz dahil ang gas angels ay may 55 attacks, 6 blocks din, at 3 aces. MAging sa unforced errors ay dikit lang ang parehong, na kung saan 23 ang ginawa ng creamline habang 25 naman ang libreng puntos na pinamigay ng petro.
At kawangis ng scoring comparison ng both teams ang output ng kanilang mga imports noong game na yun. Parehong may 28 points sila Yelo Basa at Lindsay Vander-Weide. Sadyang mas nakakuha ng suporta si Basa from the locals with Galanza ang Valdez combining for 27 points.
Pero alam niyo ba kung ano yung mas nagpaexcite ng kanilang paghaharap this time? Yung motivation ng magkabilang koponan. Yung koronang gustong depensahan ng petrogazz, at ang grandslam na inaasam-asam ng creamline.
At paniguradong extra motivated ang petrogazz to finally get a win against ccs, especially in this point of the tournament. Meron kasi silang 11-game losing streak kontra creamline mula pa noong 2019 pvl open conference. Kaya naman let us see kung finally ay malusaw na kaya ng petrogazz ang creamline. Or muling mamamayani ang chemistry and speed ng cool smashers over their pvl-rival?
Sa atin naman second game at 5:30pm. Tila ba karera to get a win. Kung sino ang maiinterrupt ang cignal or ang masstuck sa traffic ang paniguradong mababahidan ng unang talo. It will be a match sa pagitan ng cherrytigo at cignal hd.
Noong kanilang elimination round game ay tinapatan ni Mylene Paat yung 19 points na ginawa ni Tai Bierria. At gumawa ng spotlight sila Czarina Carandang at EJ Laure kontra sa mga local players ng HD Spikers.
Subalit kung mayroong isang difference sa elims game sa magiging laro nila sa huwebes. Iyun ay yung presence ni Ria Meneses. Maaaring gamitin ni Riri yung familiarity sa gameplays for blocking purpose para mga naging teammates na niya sa cherrytigo with the likes of Mylene Paat and EJ Laure.
Could this be the gamechanger for cignal to bounce back against cherrytigo and register their first win in the semis? O walang sasayanging game ang cherrytigo para tuloy-tuloy sila sa finals? Iyan ang ating malalaman.
Comment down your cheers para sa mga bet mong teams, ka-trending!
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

For me lang ha! Petro talaga ang pinamalakas na kalaban ng Ccs..Kaya Goodluck both of you guys..☺

conniegallego
Автор

Tanong lang? kapag ba na talo ng Ccs ang Petro gazz. Pasok na agad sa finals ang Ccs o kailangan pa nila talunin ang Cherry at Cignal team?

conniegallego
Автор

Patas lahat yang 4 na yan kc back to zero na silang lahat....at kahit solid CCS magandang laban tong semis NATO

chairmandelosreyes
Автор

I think Creamline and Petro gazz talaga makakapasok sa finals.
1. Creamline
2. Petrogazz
3. Cignal
4. Cherry tiggo

kyennunique