filmov
tv
18 Members ng Thats Entertainment na Pumanaw na
![preview_player](https://i.ytimg.com/vi/PHvJqjtT9FM/maxresdefault.jpg)
Показать описание
18 Members ng Thats Entertainment na Pumanaw na
-1. german moreno. si kuya germs german moreno na kilala rin sa tawag na the mastershowman ay siyang pinakamain host ng thats entertainment. siya ay nagsimula sa kanyang karera noong 60s at naging aktibo hanggang noong huling taon bago siya pumanaw. noong january 2015, siya ay dumanas ng stroke at dinala sa ospital. nakaligtas siya at bumalik sa kanayng trabaho matapos ang ilang buwang mapapahinga. matapos lang ang isang taon, noong january 7, 2016, siya ay muling isinugod sa ospital at nacoma. siya ay hindi na nagising pa, at kinabukasan january 8, 2016 siya ay tuluyang pumanaw matapos na macardiac arrest sa edad na 82.
2. Francis M. Si Francis Michael Durango Magalona o mas nakilala sa tawag na Francis M. o "Kiko" ay ipinanganak noong October 4, 1964. Siya ay isang aktor, songwriter, TV host at negosyante. Dekada 80 nang magsimula siya bilang break dancer at maswerteng napabilang sa pelikulang "Bagets 2" kasabay ng pagpasok nya sa thats. diyo na nagsimula ang kanyang karera hanggang sa nakilala na sya bilang "The King of Philippine Rap" at "Father of Pinoy HipHop". Taong 2008 nang ma-diagnosed na siya ay may acute myeloid leukemia. Matapos sumailalim sa gamutan ay muling nagbalik ito sa Eat Bulaga at nagperform pa. Ngunit noong March 6, 2009 ay dumanas ito ng multiple organ failure secondary to septic shock at pneumonia at nauwi sa acute myelogenous leukemia. Bago ito siya ay sumailalim na sa maraming chemotherapy at sasailalim pa sana sa bone marrow transplantation at peripheral blood stem cell transplantation subalit tuluyan na nga itong pumanaw. Naulila ni Kiko ang kanyang asawa na si Pia at walong mga anak nito . Ang mga labi ni Kiko ay crinimate at nakahimlay sa Loyola Memorial Park sa Marikina.
3. Isabel Granada. Si Isabella V. Castro Granada ay ipinanganak noong March 3, 1976. Isang mahusay na aktres, singer at endorser si Isabel. Siya ay nakatapos ng aeronautical engineering sa Philippine Air Transport and Training Services College, at nung 2001 nakuha niya ang kanyang lisensiya bilang piloto. Nagsimula ang kanyang karera nang mapasama sa That's Entertainment at kabilang saTuesday group kasama sina Manilyn Reynes, Billy Crawford, Ana Roces at Ara Mina. October 25, 2017 nang macoma si Isabel at dumanas ng 6 na cardiac arrest habang siya ay nasa isang event sa Qatar. ayon sa mga doktor na tumingin sa kanya, Siya ay nagkaroon ng brain hemmorhage at aneurysm na nakaapekto sa kanyang puso. October 27, 2017 nang ideklara siyang brain dead. at tuluyan na nga itong pumanaw noong November 4, 2017, sa edad na 41. Inilagak ang kanyang mga labi sa Santuario de San Jose sa Mandaluyong
4. Jon Hernandez. Si John Lenard Hernandez Salvador o mas nakilala sa screen name na Jon hernandez ay ipinanganak noong October 9, 1969. Si Jon ay galing sa angkan ng mga artista. Siya ay anak ng mga aktor na sina Ross Rival at Alicia Alonzo. Nagsimula siya bilang child star, at lumabas sa mga maliliit na papel sa pelikula at mga commercial. Sa edad na tatlo ay lumabas na siya sa pelikulang "Love Pinoy Style" noong 1972. Sunod ay inilunsad siya bilang matinee idol at maswerteng napasama sa pelikulang "Bagets 2" kasama ang iba pang artista tulad nina Aga Muhlach, William Martinez, Herbert Bautista, at Raymond Lauchengco. Matapos nito ay naging mainstay na siya ng sikat na programa ni Kuya Germs na That's Entertainment mula 1986 hangang 1992. Kabilang siya sa Thursday group kasama sina Keempee DeLeon, Vina Morales, Niño Muhlach at Lea Salonga. Isang trahedya naman ang gumimbal sa mundo ng showbiz noong November 7, 1993 nang maaksidente at mamatay ang aktor sa kanyang sinasakyan kotse. Siya ay pumanaw sa edad na 24 at ang kanyang mga labi ay nakahimlay sa Loyola Memorial Park.

Комментарии