Guddhist Gunatita - MINSAN (Official Music Video)

preview_player
Показать описание
Title : MINSAN
Written and Performed By : Guddhist Gunatita
Beat Produced by : OG Beats
Mixed and Mastered by : John Edmel Tabuniar "Melrhyme"
Recorded at Golden CODE GCR
Film and Edited By : Ja Do

Salamat sa malaya nyong pakikinig at suporta mga kapatid!

Alam nyo, sa panahon ngayon, ngayon..
Ngayon mismo hindi bukas hindi kahapon, ngayon mismo, napaka swerte mona pag napabilang ka sa mga nilalang na bukas, bukas ang isip, bukas ang diwa, bukas ang puso, buhay ang kaluluha, malaya, isa ka sa pinagpalang nilalang pag napadpad ka sa landas ng espiritwal, alam mo kung bakit kasi, simula nung araw na, naisip mong hindi ikaw yan, simula nung oras na sinabi mong hindi ako to, hindi ito yung buhay na para sakin, simula na yon ng pagbabago mo, yun na yung oras na pinakinggan mo yung kaluluha mo, kung ipagpapatuloy mo pa, mas lalo mo pang malalaman na napakadami mo palang dapat ayusin, sa sarili mo hindi sa paligid mo, sa kung paano ka mag-isip, paano ka makipagsalamuha sa ibang bagay, kung paano mo itrato yung buhay na meron ka, sobrang dami mo palang dapat ayusin, sobrang dami mo palang nakaligtaan,

Bukod sa pisikal na panlabas, meron ka palang dapat palaguin, pagyabungin sa loob, yung pinakatunay sa lahat, ang pag-ibig..

Wag mo munang isipin yung napakahabang landas na dadaanan mo sa pagbabago, magpokus ka muna na sa kasalukuyan, kung pano mo ito sisimulan :)

#GUNATITA #PADAYON #MAHARLIKHA
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Dahil sayo mas gusto ko pang mabuhay ng mahaba at matuklas ang sarap ng buhay salamat

sore
Автор

"ngalay na ba mga paa? pagod na ba na mag-isip? ano ka ba, ramdam kita kahit hindi ka umimik" wow thanks ❤

lowe
Автор

Salamat naman at may isang tulad mo na lubos na mag bibigay kamalayan sa mga taong katulad ko na minsan nagtataka bakit ako, bakit hindi nalang yung iba, ngayon mas mapapatunayan na ang buhay ay patas, at para maging mas makabuluhan gawin ito ng patas at payak! Boss Guddhi$t konektado ito sa buhay naming nanghihina na sana pero meron tinig na para lamang sa atin yan ang Spiritual Spit na nag mula sa lawak ng Imahenasyon at sa yakap ng Puso papunta sa damdamin ng bawat isa!

bossconsultaika-pasiente
Автор

Sana wag mo kaming iwan, sana wag kang mawala. Katulad ngayon ang lungot ng buhay, halos dko na alam saan ako pupunta o saan ba ako patungo. Salamat sayo. Manatili ka sa mundong ito hanggat gusto mo. Salamat guddhist mahal ka namin. ❤️❤️❤️

kennedyt.dimayugajr.
Автор

I've accidentally stumbled on this song.
What I feel right now is as it's choking me on the inside. The big sad has got me drenched in nothing but a shitstorm these past several months.
The job that I have right now is something I love to do, but I killed my social life for it, and I lost the girl that I once loved.
And I still love her.
Up until this time I still do.

Hearing this song, and the line that says "Ngalay na ba mga paa? Pagod na ba mag-isip?"
That line hit me hard, because that's what I feel right now.
You have earned yourself a new fan today, Sir Guddhist. I've heard your collaboration with Sir Ron Henley, and it's a great song.

Thank you.
You saved me today, and probably, this will be a song that's going to be added on my playlist of songs that help me cling onto life.

_iamNull
Автор

Dito ako nasagip noong parang ayaw ko ng mabuhay biglang lumabas sa recommend ko to at pinakinggan kaya hanggang ngayon napag tanto kong masarap palang mabuhay at nabigyan ng kulay... Salamat sa kanta mo kuya gudds!

erroldionisio
Автор

Grabe talaga kapatid nadaan ko rin ang mga mesahe mo, litong lito sa buhay at hindi alam kung saan nga ba talaga ako patungo . At laking pasalamat ko sa ating Panginoon at binuksan nya ang pusot isipan ko at nakita ko ang tamang daan na patungo sa walang hanggan ❤❤❤ Jah bless sa lahat ng tao sa mundo, mahal tayo ng Panginoon.

shienaiahseffernandez
Автор

dahil sayo kuya gudd ineenjoy ko ung buhay. may time na sukong suko nako 😭 dahil sayo gusto ko pang mabuhay napasarap sa pakiramdam mga gawa mong kanta. kahit ano kapa ka gago may pag asa pa.

jasperr
Автор

Naramdaman ko na ang sarap mabuhay basta tama ang ginagawa mo at wala kang ginagawang mali sa kapwa mo. Sobrang solid mo kuya gudd!✌🏼💚

JHN
Автор

Yung sukong suko kana sa buhay pero nandyan si gudds para sabihin sayong magpatuloy ka!

samgyup
Автор

This artist is so Humble and Kind hearted i feel his flow and emotions. Keep it up ma men!!

musicbox
Автор

Same struggle. Salamat Guddhist sa mga kanta mo pakiramdam ko may nakakaunawa sa journey ko

beavt
Автор

PLEASE PAKILAGAY TO SA LOVE THE VIBE OF THIS SONG <<<<3333

ladypaulalising
Автор

Sobrang Nakakatuwa At Napakataba sa puso At Nakakagising ng kaluluwa At Napapatayo Balahibo Ko ng Mga Obra Mo Idol Gudds Sobrang Relate Ako Natatanto Ko Minsan Yan Nakaka Inspira ka Idol Gudds Ako Nga Pala Yung Ugat Maharlika Salamat Sa Pagsagot sa Advice Idol Gudds! Padayon Idol Gudds! 💯🙏 Mabuhay Ka! 💯

johnclaerolwilyamo
Автор

Gud, sa mga ganitong panahon ikaw lang at mga kanta mo ang madalas na karamay ko. Isang mahigpit na yakap!!!

jasminedelarosa
Автор

Noon wala kong pake kung hanggang saan aabot buhay ko, hanggang sa napakinggan kita ghudds. Salamat sa mga awitin mo na nagbigay inspirasyon sakin para tuklasin pagkabuhay dito sa mundo.

danielebuen
Автор

Yo skl ko lang bago matulog, dineact ko lahat ng socmed acc ko, tas ayon tambay lang sa yt at langhap ng music., angganda pala at mas nagging productive kapa, fav kotong kanta ni guddihst, pag ni heart niya pa comment q manniwala naq sa himala wahahha xd

xyzareese
Автор

Dahil sa kanta mo nag karon ako ng inspirasyon, ipagpatuloy mo pa sana ang pag gawa ng musika laman neto ang mga salitang ang sarap ibaon

danieltolentino
Автор

Buti nalang May Gudds na papakinggan kapag lugmok kana sa problema. Salamat sa musika ya! 💚

porcallaaerons.
Автор

Kung may makakapagturo lang sakin ng tamang daan patungo sa kasanrilan agad kona pupuntahan.Ikaw yun guddhist! Padayon!

jeneaavlog