KILALANIN ANG ANAK NI SAMBOY LIM THE SKYWALKER

preview_player
Показать описание
KILALANIN ANG ANAK NI SAMBOY LIM

Si Samboy Lim o Avelino Borromeo Lim Jr. ay isa sa mga hinahangaang magaling na basketball player ng PBA. Binansagan siyang “the Skywalker” dahil sa kanyang tila paglakad sa hangin kung ito ay nag slum dunk.

Bilang isang shooting guard ay kinatatakutan siya ng marami niyang mga kalaban dahil sa pambihira nitong acrobatic shots, at hang time moves o slam dunk.

Nadiskubre ang galing ni Samboy noong ito ay 15 taong gulang pa lamang nang ito ay maglaro sa Phil-Am Life Homes sa Quezon City.

Hinubog ang galing ni Samboy noong nag-aaral pa ito sa Letran kung saan naglaro siya sa NCAA noong 1982.

Fast forward. Noong 1998 ay sumali si Samboy sa Philippine Basketball League para maglaro sa Welcoar House Paints. Sa panahong ito ay kinilala si Samboy bilang isa nga 25 magagaling na manlalaro ng Basketball.

Bagaman hindi naging Most Valuable Player si Samboy dahil sa hindi siya nakapagpatuloy sa paglalaro dahil sa kanyang mga tinamong injuries ay nanatili ang buong supporta at pagmamahal sa kanya ng kanyang mga tagahanga.

Si Darlene Berberabe ang naging asawa ni Samboy. Si Darlene ay ang dating CEO ng Pag-Ibig Fund at nagkaroon sila ng isang anak na babae. Narito’t kilalanin natin siya.

1. Jamie Chrisitne Lim
Tunay na nasa dugo ng nag-iisang anak ni Samyboy ang husay at galing.
Si Christine ay myembro ng Philippine Karatedo team at nagatapos bilang summa cum laude sa University of the Philippines College of Science noong 2019 at nakatanggap rin ng gawas ng Joker Arroyo Medal for Outstanding BS Graduate in Mathematics.

Nanalo rin siya ng gold medal sa noong 2019 Southeast Asian Games. Ang gintong medalya na napanalunan niya ay kanyang inialay sa kanyang ama.

Umuwi sa Pilipinas si Christine noong Marso 15, 2020 matapos na maglaro sa karate tournament sa Europe upang ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang ina at maalagaan ang kanyang amang si Samboy.

Hindi na madalas Makita ng publiko si Samboy dahil sa kanyang kalusugan matapos itong ma coma noong 2014, pitong taon na ang nakaraan. Huli siyang Nakita ng publiko nang dumalo ito sa graduation ng kanyang anak na si Christine noong 2019. Naging maayos naman umano ang kalagayan ng pangangatawan ni Samboy at nakakaupo na ito di gaya ng dati.
Lubos ang suportang ibinigay ng mga kakilala, tagahanga at maging ng kapwa manlalaro ni Samboy para sa kanyang agarang paggaling.

Isang paghanga at paggalang ang ibinigay kay Samboy nang gawan siya ng statuwa niya sa Valenzuela sa harap ng basketball gym sa distritong kanyang tinitirhan.

Magsubscribe sa aming channel para sa videong kagaya nito. Bisitahin rin ang aming mga playlist. Salamat marami sa inyong panonood mga kasama.

👇🔔 Click the link below! SUBSCRIBE HERE for more videos:

💛 Check out our TOP PLAYLIST - more videos for you to enjoy here:

CELEBRITY NEWS

MGA ANAK SA IBA'T-IBANG BABAE

TOP 5/ TOP 10 LIST

👍📢 If you enjoyed our video LIKE and SHARE this and tell us if you have any VIDEO REQUEST. We'd love to see your comments below!

💕 Connect & Follow us HERE:

#Subscribe4More
#LikeAndShare
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Congrat's Samboy & your Daughter! Great Job.👏👏👏

julietmirandilla
Автор

Parang mali ang unang team ni samboy na sinabi San maguel siya nag laro sa Pba hindi welcoat

hectordeguzman