Pricetagg (ft. Gloc-9, JP Bacallan) performs 'Pahina' LIVE on Wish 107.5 Bus

preview_player
Показать описание
Hip-hop acts Pricetagg, JP Bacallan, and Gloc-9 team up to perform "Pahina" live on the Wish 107.5 Bus! The gritting rap piece is about braving to live each day despite the hardships of life.

Follow Wish 107.5's social media accounts!

Stream this song on Spotify:

Follow these artists on social media:
Pricetagg:

Gloc-9:

JP Bacallan:

#WISHclusive

***
Wish 107.5 is an all-hits FM radio station based in Quezon City, Philippines. It has truly gone out, beyond the conventional, to provide multiple platforms where great Filipino talents can perform and showcase their music. With the Wish 107.5 Bus, people now don't need to buy concert tickets just to see their favorite artists perform on stage.

However, innovation doesn’t stop in just delivering the coolest musical experience — Wish 107.5 has set the bar higher as it tapped the power of technology to let the Filipino artistry shine in the global stage. With its intensified investment in its digital platforms, it has transformed itself from being a local FM station to becoming a sought-after WISHclusive gateway to the world.

Feel free to SHARE this video but DO NOT REUPLOAD. Thank you!
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

thank you po sainyong lahat! isang malaking karangalan po na maging koro ako nang isang napakagandang obra tulad netong pahina, kasama ang isang legend na si Gloc, at kapatid ko sa Rawstarr na si Price. maraming salamat sa 4Million views! hanggang sa muli!

JPBacallan
Автор

Bilang ng nagandahan sa boses ni JP
⬇️

MuyChingVLOG
Автор

Walang pumapansin sa vocals ni JP. Straight fire vocals right there.

icoh
Автор

Lyrics;

Naranasan mo na ba sa buhay ay malasin
Kumakalam sikmura at wala ka nang makain
Sa usok ay sabog nilulunok nalang yung hangin
At isipin na busog baka bukas mapapalarin
Maalat ang diskarte kaya ulam tuyo at daing
Mainit na kape sinasabaw ko pa sa kanin
Nagtampo 'ko sa bigas kaya walang masaing
Ngayon alam mo na ang sulat at ang sugat ko'y malalim
Inisip lang pagsubok 'to hanggang kalian 'to tatagal
Hanggang daga saking dibdib unti unting natatanggal
Bakal na puso ko pano 'ko magmamahal
Natutulog ba ang Diyos kaya pano ako magdadasal
Bubuksan ko pintuan ng langit na sarado
Hanapin susi ng tagumpay kahit may kandado
Akin na ang kontrata handa na ang lagda ko
Sakin ang titulo ng hinahangad kong palasyo

Sinimulan ko 'to walang naniniwala
Sa paligid ko
Eh ano (eh ano)
Susulatan ko lahat ng mga blankong pahina
At mas sisipagan ko pa
Kahit maubusan pa 'ko
Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina
Maubusan man ng hininga
Di na para ako ay tumigil pa

Subukan natin bumalik
Sa bawat daan na matinik
Kahit na hindi makahalik
Maabot ka lamang ay palaging sabik na sabik
Kami pailan ilan noon
Mga taga igib sa balon
Mababaw man o malalim
Palarin man o malasin
Ay naka handa na tumalon
Sa bangin man o sa tulay
Madilim at walang gabay
Lahat ng bawal ay sinusuway
Gabi na'y naghuhukay makita lang saking kamay
Kahit maputik hatak sa lubid
Laging uhaw at kulang sa tubig
Kung may mali sige umulit
Sa bagong papel pangarap mo'y iguhit

Sinimulan ko 'to walang naniniwala
Sa paligid ko
Eh ano (eh ano)
Susulatan ko lahat ng mga blankong pahina
At mas sisipagan ko pa
Kahit maubusan pa 'ko
Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina
Maubusan man ng hininga
Di na para ako ay tumigil pa

Naging bulag pipi't bingi sa payo ng iba
Tinakwil na nga 'ko ng aking ama't ina
Kausap ang sarili san ba 'to mapupunta
Rehab, kulungan, kamatayan mamili ka
Pero hindi, kailangan ko nang matakasan
At isulat sa papel lahat ng naranasan
Nakaguhit sa kamay ang aking kapalaran
Ako ang Francisco sa makabagong balagtasan
Mga pikit ang pananaw may araw akong titignan
Tamis ng tagumpay unti unti 'ko nang matitikman
Asan korona, ang ulo ko ay lalagyan
Alam mong ikaw ay hari ng sarili mong kaharian
Tawid dagat nilakbay ko kaya hindi na biro
Madalas din maiwanan ang aking anino
Hanggang ang Jomari ay pwede nang ihalubilo
Sa Marlon, Aristotle, Andrew, at Kiko

Sinimulan ko 'to walang naniniwala
Sa paligid ko
Eh ano (eh ano)
Susulatan ko lahat ng mga blankong pahina
At mas sisipagan ko pa
Kahit maubusan pa 'ko
Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina
Maubusan man ng hininga
Di na para ako ay tumigil pa

aydreeuhnfps
Автор

♥️ naging inspirasyon ko to lalo na sa pagsusulat ng thesis para sa PhD. dami tao nangmamaliit at di naniniwala. Kaya eto talaga nagpupush sa kin. Pineplay ko to every morning pampagising ko, habang naglalaba, bg habang nagsusulat, habang nagluluto. Halos buong araw ♥️

Ngayon naipublish ko na ung isang part ng thesis ko. dalawa nalang!!!

Salamat po sa inspirasyon ♥️

yellowbelle
Автор

"Marlon, Aristotle, Andrew at Kiko" Pricetagg always Respect the Legends, Pricetagg Just earned my Respect 🔥

krammy
Автор

"Hanggang ang jomari ay pwde nang ihalubilo
Sa Marlon, Aristotle, Andrew at Kiko"
Kudos to these legends👌👏

bluebautista
Автор

the Chorus Hits Me right to my soul and Core 😭😭😭 sarap mangarap at Hindi sumuko.
SOLID SONG kudos Guys

juliusdomingo
Автор

"Kung may mali sige umulit, sa bagong papel pangarap mo'y iguhit"
-G9

ljgarcia
Автор

Ang underrated talaga ng kanta neto ni Price! Kilalang maangas, at sa gun bars, pero yung mga songs nya? Damn! And he even respect the Legends! 🔥💯 Real recognize real.

ChrisBeex
Автор

Pricetagg and Gloc 9 is too good! Plus the Chorus is too perfect for this song by Jp! I do really love rap song with this kind of lyrics.Saan dumating iyong time na ang mga bastos na rap song ay 'di na suportahan ng tao para mga ganitong kanta ang gawin ng lahat ng mga rappers.

misacrayola
Автор

Akala ko nung katuwaan lang ang kantang toh sa TikTok. Pero ngayon naintindihan ko na ang Lyrics 😭😭😭 this serves as a Motivational Song. ❤️

reddeonojarabelo
Автор

HAPPY 37M. Love your vocals JP! Idol Gloc9 and Pricetagg rap skills is fire 🔥Kaya ko sya pakinggan buong araw habang nagtatahi ako. So Inspiring.

shairasalarda
Автор

Isa to sa kanta na ginagawa kong motivation song (pang hype ko sa sarili). Alam kong dipa huli ang lahat. Di pa dumadating yung pahina kung saan ako makakaahon 👆

tzph
Автор

Ito ang kailangan naming MUSIC🔥🔥
HINDI yung puro KABASTOSAN 😇😇

HRLDIVN
Автор

Ang ganda ng meening nung kanta, tagusan ung nlalaman nia, and nice combination ng mga singer☺️☺️

Shaddie_
Автор

Ang lupit ng verse ni JP sapul tlga napakasolid, tumatatak ito sa realidad na sa araw-araw na pamumuhay at pagssikap

ghstwriter
Автор

tngina pricetagg tumindig balahibo ko s lyrics ng kanta mo, whahaha astig colab idol gloc9, salute sa mga idol ko!!!!

acesakalam
Автор

1 Year na pero sobrang ganda padin pakinggan, di nakakasawa.
Like if you agree

querogeantajanlangit
Автор

ang ganda ng kanta na ito na pa visit talaga ako sa YouTube para makita sino kumanta. ganda nito para sa mga may pangarap na walang naniniwala sa kanila tas yung beat sa chorus sakto para sa lahat ng nachieve mo sa buhay at proud ka ipakita sa iba.
ps. grabe 2 yrs ago na pala ito

marianazarenetamayo