Ron Henley - Hagdan (Official Music Video) feat. Kat Agarrado

preview_player
Показать описание
Ron Henley feat. Kat Agarrado performing 'Hagdan', from Wala Pang Titulo EP
Produced by Klumcee

Connect with Ron Henley:

Director and Film Editor: Patrick Edward Raymundo
Executive Producer: Z Management Group and Ron Henley
Assistant Director: Voltaire Del Rosario
Cinematographers: Patrick Edward Raymundo, Darryl Nikasius Santos
Lighting Technician and Photographer: Franz Dimaano

SPECIAL THANKS TO:
Kat Agarrado
Klumcee
Jaydee Gungon
Sticky Rice Media
Patzipatz Multimedia
MCA Music Philippines
Homegrown
WCKD
Gnarly!
Medisina
Voltaire Del Rosario
Loonie
Abra
Josef Amarra
Bea Valera
Melvin "'The Devil" Cruz
JC Sebastian
Makiling Lodge,
Doggpound Burgers
Auntie Pearl's
UPLB
Mga Manong Guard sa Intramuros
at sa Lahat ng Goodvibes
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

This hits different when you're struggling with any kind of addiction. Salamat sa musika na to ron! Salamat sa pagsagip! Kakalabas ko lang ng rehab 4days ago due to my methampetamine addiction and depression. Sobrang sakit ng mga nangyari nawalan ako ng haligi at ilaw ng tahanan ganon pala kahirap mangapa sa dilim. At hindi naging ganon kadali ang mga pangyayari lalot solong anak lang ako pero napaka dami kong napulot na aral sa lugar na yun. "Ako ay nagpasakop sa programa sa tulong ng aking mga bagong kasama ako ay nakabangon sa kama muli kong nasilayan ang isang bagong umaga" grabe tong linya na to. Doon ko na realize sa loob ang mga kahalagahan ng mga bagay mula sa maliit hanggang sa malaki. No visitation and no phone ako that time halos disconnected talaga sa outside world. Hindi man naging ganon kadali pero kung kinaya ko syempre kakayanin nyo din. At eto nga pala ako ngayon ipagpapatuloy kona ang course ko na educ 🤗 Addiction is a disease not a crime, We do recover ✊🏻.

vincequintosbarrera
Автор

Isang gabi, nalulungkot na naman ako dahil sa naging career path ko at sa mga responsibilidad ko na mejo mabigat para sakin hehehe. Kaya sabi ko, tinanong ko si God, "God bigyan niyo po sana ako ng sign. Ang dami kong pangarap, and dami kong gusto gawin.". Tapos bigla kong narinig ang chorus ng kantang to. At napangiti ako at nagpasalamt ako sa Diyos. Naisip ko, baka pinaparating sakin ng Diyos na wag ako magmadali, dahan-dahan lang, makakamit ko rin mga pangarap ko. Salamat sa kantang ito, Ron Henley!

princessespiritu
Автор

Ganito na kanta na rap dapat maririnig ng mga kabataan Hindi yung puro angas lang at walang sense. Nice one idol.

bonniferful
Автор

Sino pa mga madas bumisita dito? heheh ♥♥♥

dap
Автор

HAPPY BIRTHDAY RON HENLEY!!! SALAMAT SA MUSIC MO TOL! 🙏🏽

PioBalbuena
Автор

eto yung kantang nakakapag buhay ng loob ko ng mga panahong...pahirapan ang pag sakay sa barko after namin gumraduate buhay seaman... bagkus sumuko at mag palamon. pinapakinggan ko lang tong kantang to upang mag porsige sa buhay. di rin nag tgal natupad nga mga pangarap ko. ngayun seaman na overseas pangalawang balik ko na. salamat sa minsahe ng kanta mo ron
"Gusto kong mag layag
gusto kung mga pangarap ko mangyari agad"
yun pala dapat
"wag kang mag madali dahan dahan lang tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan"

meomeomeo
Автор

sometimes substance is not only form of addiction, but depression, ignorance of human rights, social abuses and sickness really kills us alive.

leahibayarevalo
Автор

2025 na pero isa pa rin to sa kantang pag pinapakinggan ko, napapaluha talaga ko kasi tumatagos yung lyrics lalo pag may mabigat akong pinagdadaanan.

cathespinosa
Автор

one of the songs that I labeled as my "healing music", tuwing nalulungkot or down ako pinapakinggan ko to. miski pag pakiramdam ko may kulang sakin etong kantang to talaga takbuhan ko. bukod sa ang sarap sa tenga at ang ganda ng ibig sabihin e ang nostalgic rin kasi bumabalik mga alaala ko nung pagkabata. naaalala ko yung mga panahong ang simple lang ng buhay. healing music talaga to para sakin. solid! ilang taon na pero never kumupas ♡ salamat sir ron.

ravenlouiseaguilar
Автор

Boredom due to the Community quarantine, brought me here.

Solid pa rin talaga to, one of the best OPM Rap.

casandrafabiano
Автор

Ronhenley? Still one fo the top rapper sa pinas. Maraming bago, pero kung itatapat mo sa kanta ni ron? Di kakayanin nang mga bago kung gaano kagaling mag sulat si ron.
Sulit na sulit bawat kanta 💯🔥 may mga kahulugan bawat linya ♥️

carlflores
Автор

Ito dapat ang pinaplay ng mga bata ngayon para maganda at maayos ang mindset

kenkoyyoutbs
Автор

People who's suffering now from addiction, anxiety, and depression. Keep fighting and hold tight! I know someday you'll be somebody, great, and successful ❤

notpaycheck
Автор

Verse 1: Ron Henley]
Araw-araw ay kabaliktaran ang swerte
Mukha lang inosente pero pwede mag rebelde
Ginagawa kong kapre ang bawat mga dwende
Kung minsan ang kulay pulay ginagawa kong berde
Nakasagutan ko si nanay
Si utol nakaaway
Hindi na ko umuuwi ng bahay
Nagpunta sa kapitbahay
Nakitulog, nakitambay
Naki-uso, nakibagay
Naki-usok, nakitagay
Pinakain ko ng damo ang pulang kabayo
Paulit-ulit lang umaasang may magbabago
Binusog ko lang lalo ang ari kong pagkatao
Pagnagtalo yung dalawang aso, yung mabuti yung talo
Napalayo sa riyalidad
Naglalakad ako ngunit akala ko ako’y lumilipad
Naging tamang hinala
Panay maling akala
Hinahabol ko ang tama
At mukhang mali na ata

[Chorus: Kat Agarrado]
Gusto kong maglayag
Gusto kong mga pangarap ko, mangyari agad
Gusto kong lumangoy
Gusto kong lumipad
Pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat
Teka, wag kang magmadali
Dahan-dahan lang (dahan-dahan lang)
Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan

[Verse 2: Ron Henley]
Ang kalaban ko ay nasa likod nakangiti
May inaalok siya sakin, di ako makahindi
Di sila nakaitim bagkos nakaputi
Nung ako’y nakatikim hindi na ko umuwi
Sa aking tunay na buhay
Humaba lang ang sungay
Ang patunay, tunay ang lakad ko ay pasuray-suray
Ako ay uminom ng lason kahapon
Umaasang yung taong yon ang nasa kabaong
At ako’y ay nilamon ng buhawi
Inanod ng ugali kong ‘sing baho ng pusali
Sa sobrang bangis nagawa nila akong itali
Ang buhay ay tungkol sa kung papano ka bumangon at bumawe
Sa aking pagbalik sa liwanag ay nasilaw
Nasanay sa silid na laging patay ang ilaw
At kahit na nasasabon, wag na wag kang tatalon
Sa bawat bagyo tandaan laging may pag-asa Ron

[Chorus: Kat Agarrado]
Gusto kong maglayag
Gusto kong mga pangarap ko, mangyari agad
Gusto kong lumangoy
Gusto kong lumipad
Pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat
Teka, wag kang magmadali
Dahan-dahan lang (dahan-dahan lang)
Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan

[Verse 3: Ron Henley]
May araw na malas, may araw ring swerte
Tanggap ko nang pula’y hindi pwede maging berde
Hindi madali pero posible
Kung ang lahat ng bagay ay gagawin kong simple
May mga taong inilagay para ako’y itumba
Isang kalabit nalang at ako’y puputok na
Ganto ata talaga kapag ang puno ay mabunga
Binabato-bato ng may mahulog at makuha
Sa aking kahinaan ay naging malakas
Lalo akong tumingin paloob imbis palabas
Isinapuso ko di ako masyadong nag-isip
Ng kung ano-ano lalo ko lang niyakap ang inip
At ako ay nagpasakop sa programa
Sa tulong ng aking mga bagong kasama
Ako ay nakabangon sa kama
Muli kong nasilayan ang isang bagong umaga

[Chorus: Kat Agarrado]
Gusto kong maglayag
Gusto kong mga pangarap ko, mangyari agad
Gusto kong lumangoy
Gusto kong lumipad
Pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat
Teka, wag kang magmadali
Dahan-dahan lang (dahan-dahan lang)
Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan

[Chorus: Kat Agarrado]
Gusto kong maglayag
Gusto kong mga pangarap ko, mangyari agad
Gusto kong lumangoy
Gusto kong lumipad
Pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat
Teka, wag kang magmadali
Dahan-dahan lang (dahan-dahan lang)
Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan

jancarlo
Автор

2020 astig parin talaga 💪may nakikinig paba Dyan ? Like monga
👍👇👇

nielgemdomecillo
Автор

Itong kantang to ... Yung ''Tao Lang'' ni Loonie, tapos biglang yung ''Sige Lang ''ni Quest,
nagbalikan saken yung mga kanto to tas biglang di ko namamalalayan na
napapaiyak na pala ko habang sinasabayan ko tong mga kanta to ...

this songs hits different ngayong nag kaka edad na tayo at bagong taon nanaman 2025

(Hagdan - Ron Henley, Tao Lang - Loonie, Sige Lang Quest : pakinggan nyo yan nang magkakasunod parang tatlong stage ng buhay ng karamihan saten ngayon)

aecreationedits
Автор

Inspirasyon to ng mga taong naligaw ang landas na gusto magbago. Solid to!

vannibanez
Автор

8 years natong kanta na to pero sino padin yung nakikinig ngayong 2021?💯

johnaldwintoribio
Автор

Sa mga nag tatanug kung may nkikinig pa dito . Di kame umalis mga Man classic padin talaga

JoshuaAler-uxlf
Автор

mga Gen Z mapakinggan nyo sana ung ganitong kanta. tipong iniisip mo wala ka na pagasa sa buhay pakinggan nyo lang toh. promise! :)

NoName-wgjq
welcome to shbcf.ru