filmov
tv
Karapatan sa lupa, ipaglalaban ng 20 pamilyang dinemolished ang kabahayan sa Muñoz
Показать описание
Patuloy pa rin na naninirahan ang mahigit dalawampung pamilya sa Ginintuan B, Brgy. Linglingay sa Science City of Munoz matapos i-demolished ang kanilang mga bahay noong February 7, 2020.
Nangingilid pa ang luha ni Nanay Irene Pascua habang inaaalala kung paano gibain ng demolition team ang kanilang tahanan.
Nag-ugat ang tunggalian sa lupa nang magsampa si Mariane Gallardo ng kasong Civil Case No. SD (13)-921 noong taong 2011 sa Munoz MTC Branch 89 laban kina Irene at Winnie Pascua, Boy Jose, Fely Calica, Federico at Leonora Narvante, Federico Jr., at Dory Narvante, Elmo at Nemia Narvante, Carlo at Amelia Narvante, Arnold at Olive Garcia dahil sa pagtigil ng mga ito sa pagbabayad ng renta at pag-angkin sa kanilang mahigit 74, 000 square meters na lupain.
Isa sa 17 na kabahayang demolished sa Ginintuan B, Bgry. Linglingay, Muñoz.
Base sa kasong inihain ni Gallardo, nag-umpisang tayuan ng kabahayan ang nasabing lupain noong 1988 nang payagan ni Ester Gallardo ina ni Marianne, sina Marcial Calica at iba pang kamag-anak nito na manirahan doon kapalit ng isang kabang palay kada 200 sqm. tuwing katapusan ng taon.
Iprinisentang ebidensya sa korte ang titulo sa mahigit 14,000 square meters na nakapangalan sa kanyang lola na si Generosa Gallardo, kasunduan sa pagpapaupa ng pitak ng loteng pambahay at mga resibo na nagpapatunay na may obligasyon silang magbuwis dito.
Ayon naman sa mga residente doon, ipaglalaban nila ang karapatan nila sa lupa sapagkat mahigit anim na dekada na silang naninirahan doon at hindi sila dapat na magbayad ng renta sa mga Gallardo dahil natuklasan nilang public land ito na pag-aari ng gobyerno.
Writ of Demolition na ipinakita sa mga residente ng Ginintuan B, Brgy. Linglingay, Muñoz.
Expired na rin umano ang Writ Of Demolition na ipinakita sa kanila na may petsang September 28, 2017 nang payagan ng korte ang Ejectment para sa Civil Case No.3602 (12) at Civil Case No. 3603 (12) kaya wala raw karapatan si Sacarias Gallardo, tiyuhin ni Marianne na ipa-demolished ang kanilang mga kabahayan.
Komunsulta na sa Department of Agrarian Reform si Olive Garcia kung saan pinayuhan umano silang ipasukat ang lupain upang malaman kung public land o sakop nga ba ng lupang pag-aari ng mga Gallardo ang lupaing kinatitirikan ng kanilang mga kabahayan.
Kinuhanan ng panig ng Balitang Unang Sigaw ang mga Gallardo sa pamamagitan ng kanilang abogado na si Atty. Bembol Castillo ngunit tumanggi itong magpa-interview dahil bawal aniya nilang talakayin ang kaso kapag nakasampa na ito sa korte. Ulat ni Belle Ramirez at Clariza De Guzman