Nag-trend na hack na walang patayan ng inverter aircon, hindi totoong nakakatipid sa... | SONA

preview_player
Показать описание
Nag-trend na hack na walang patayan ng inverter aircon, hindi totoong nakakatipid sa kuryente-- Meralco 

May nag-trend na hack para raw makatipid sa kuryente. ito ang pagbubukas ng aircon na inverter sa low temperature nang 24 oras. Legit naman kaya?

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:

Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Yan ang mapapala mo pag sunod sunduran sa social media. May tamng point yung hack, 24/7 yung inverter aircon is okay kasi yung restart ng aircon malakas kumain ng kuryente yun. Ang mali sa hack is setting the thermostat sa mababa. Pag napakalaki ng agwat ng thermostat at ng room temperature sa labas, di hihinto or magslowdown ang makina, so kung 35 ang temp sa labas, dapat ang thermostat 26-28. it will still feel cool but won't eat so much sa kuryente. Kasi magslowdown ang aircon once it hits the target temp, dun nkakatipid yung inverter kasi slow down ang gagawin nya hindi complete shut off. That's how it works. Dapat realistic na kayang abutin ng thermostat yung lamig n yun. Yan ang basis kung bakit sinusukat yung room at dun binabase yung appropriate horsepower ng AC. hayy naku...

reylozada
Автор

1:44 this old lady right here had more common sense than the other guy 😂😂😂

annie-sc
Автор

Yan hirap kapag di inaral ung purpose ng inverter aircon pero sa social media makikinig. May kilala ako 8 hours lang naman sya nag aaircon pag matutulog lang, pero nung nakita nya daw ung trend which is actually last year pa nga to nag trend eh, sabe nya di na nya need patayin. Potek dati 8 hours lang sya gumagamit ngayon 24 hours na, eh goodluck talaga. Nakipagtalo pa sakin sa inuman nung inexplain ko ng mabuti at inantay nya bill nya, ayun napamura nalang sya eh.

rainmaker
Автор

Pro tip: bago maniwala, mag-isip muna. :)

maryrose
Автор

The best thing to do when using an aircon is to make sure no cold air from inside the room escapes. Doors and windows must be closed airtightly as possible.

june
Автор

Hanggang ngayon ginagawa ko padin yan. Walang patayan aircon 24/7, ang bill ko sa aircon only is around 1-2k. Nakahiwalay kase kuntador ko sa aircon para laging na tatrack ang konsumo. Bago nyo gawin yan dapat kulob talaga yang rooms nyo at sapat ang Horsepower ng ac na gamit nyo. Dat makakapal din yung kurtina nyo yung tipong hindi papasukan ng sinag ng araw. Isa pa yung outside unit dapat hindi tutok sa araw. Ugaliin din ang paglilinis ng filter every week at pagpapalinis ng buong unit every 6 months.

Edit: Every 3 months ko na pinapalinis AC according sa recommendation nung nag lilinis na kapag 24/7 daw pala bukas ang aircon dapat every 3 months din ang linis.

edzel
Автор

parang ang mga tao sadyang eng*t lang kahit dati pa.. Mabilis maniwala, kaya no wonder bakit madaming corrupt govt officials. May kaibigan din ako na sinasabi na wag ko daw patayin ang split type ko kahit 8 hours mas tipid daw kaysa, patayin ko at bubuksan. Sabi ko, pinapalamig ko lang ang temp ng room ko, at nameet ko na yung lamig na gusto ko, pinapatay ko na at nag fafan na ko. Mali daw ako, dapat daw walang patayan para tipid. Sabi ko 30mins lang naka on aircon ko, okay na ko, malamig naman sa room ko. Isa pa, pag walang patayan nagcoconsume ito ng electricity. Mali daw ako. Hindi ko alam kung natuto ba ang mga tao sa Science class nila or hindi, eng*t eh, nagpapaniwala sa mga sabi sabi at sa mga AC Sales Person.

beyondjourneywithjeff
Автор

Big windows at huge doors ang lifehacks namin this summer so yung buong haus may proper circulation ng wind at init then we used electric fan. Our aircon used if really needed .

marinarivera
Автор

We are actually doing this 24/7 and 2k lang ang bill namin monthly. The trick for this is to choose only one part of your house na may aircon. The smaller the space, the better.

For us, sa apartment namin na 30sqm size, 2 floors and pahaba, we chose the sala area lang na palamigin. We bought a thick plastic curtain online. Use it as a partition ng sala at dining/kitchen. Sa sala lang malamig. Halos dun na kami natutulog. Effective siya as long as wise ang pag set up mo ng papalamigin na room.

Remember ang aircon the more space, the more ang pag produce ng lamig, the more ang consume ng kuryente. Kaya again better one spot lang malamig.

theuninvited
Автор

Technique jan sa ac na 24/7 kasi 2k lang bill ko dito

1. Dapat sakto o may konting allowance ung aircon to room size
Kunwari ang size ng kwarto nyo ay pang 1hp. Gawin nyong 1.5hp para mas mabilis lumamig, di malaspag and magmamaintain nalang sa lower watts

2. Sarado ang kwarto lagyan ng seal ung mga singawan ng hangin

3. Set sa 25-26c ang aircon

4. Gumamit ng efan para mabilis mapalamig ang kwarto

5. Regular ang pag maintenance dapat ng ac dapat lagi pinapalinisan kada 3-6 months depende pag sobrang dumi na

jeofelmondeja
Автор

It is cheaper if you calculate how much you were spending per hour with the inverter for only a certain number of hours pero in total, it's not. Also, bka kasi di din kulob yung room

robrig
Автор

Dami kasing factors jan, properly sized ba yung aircon for the space? Not floor area lang but the volume ng room, not to mention may heat loads ba like TVs, ref, etc.

Second, may proper insulation ba? Seals, heat rejecting tints, blackout curtains.

Laging na ooverlook ng mga tao pinaka importante is to keep the cold air in.

For me mas okay na I leave my inverter AC on pero I raise the temperature by 1-2 degrees if mawawala ako for a couple of hours lang kasi mas magastos sa kuryente yung pag restart ng AC inside a room na nag accumulate ng heat.

We have 4 ACs, 1x 3HP and 1x 1.5hp na split, 2x 1hp na window—lahat inverters.

Pati ref, air purifiers, hanggang sa electric fan inverters, even microwave namin.

Yung sa sala namin na 3HP naka sched yun ng 8:30AM @25c then goes down to 24c by 5:30pm then turns off at 11PM daily.

Yung isang 1.5hp na split 10-13 hours everyday 24c

Yung isang 1hp ko na window type almost 24/7 yun and the other 1hp na window type 12-16 hours every weekends lang.

Partida 2 pa ref namin, induction, rice cooker, 4 air purifiers, 4TVs etc.

Pero bill ko 4300-5500 lang.

It’s all about proper seals, insulation and slightly over sizing your inverter ACs.

workhardforit
Автор

Common sense po. Yong payo na hindi pagpatay sa aircon is only applicable kong lalabas kayo sa bahay for 1 hour to 3 hours versus e off ang aircon and restart again.

nikita
Автор

Sinubukan ito ng anak ko, sa awa naman ng Diyos halos wala namang pinagbago ang bill namin sa kuryente. Basta naka automatic lang ang inverter na ac, ok lang na 24/7 ang andar nito. Pero yong sa window type ko na hinde inverter bihira ko lang binubuksan. Pag sobrang init lang talaga.

napoleonbonaparte
Автор

This is true, my 1hp unit is set to low with 27° - 26°
24/7 bukas, dapat walang singaw ang bintana nilagyan ko ng tape, at pinto may seal yung ilalim, kisame sealed.
sikreto ng AC na matipid dapat laging malinis. maprepare ka ng pressure washer every month mo linisan yung indoor unit mo ng pressure washer water lang walang sabon.

every 3 months ka gumamit ng may sabon

pagpahingahin ang AC kahit 12 hours sa isang linggo.


basta inverter matipid, Carrier brand Crystal 2

2K to 3K lang bill namin.


may 1 inverter AC, 1 matic inverter Washing machine, 1 inverter ref, 2 TV Led. 1 electric fan

garyjrgatcho
Автор

Mas tipid ang inverter kung alam mo kung paano gamitin. Dapat eksakto o oversize ang aircon para sa kwarto para mag slow down ang compressor at maabot nang mabilis ang desired temperature. Once na maabot na lamig sa kwarto kung may power meter ka makikita mo na ang kuryente mo naglalaro lang sa 350w pababa at kung minsan nagkacut-off pa. Starting nang inverter sa pinakamababang power nya. Conventional aircon is full load. Inaral nang magagaling na engineers at scientist ang inverter aircon bago i-market yan. Dapat regular din ang paglinis sa aircon.

rodelmoya
Автор

Gumamit ng solar energy na ang panels ay ipapatong sa bubungan ng bahay, siguradong makakatipid sa kuryente kahit naka-aircon. May battery na pwedeng mag-store na magagamit din kahit sa gabi at madaling araw. Iyon nga lang, mas malaking konsumo sa kuryente, mas maraming solar panel at battery ang kailangan. Iwas brownout pa. Kahit ang mga streetlights na nasa kalsada ay naka-solar na din. Malaking tipid sana ito kung magagamit din ito sa mga pampublikong sasakyan at delivery vehicles para sa gayon, makakamenos sa konsumo sa gasolina na siyang dahilan kung bakit tayo madalas naaapektuhan sa tuwing tumataas ang presyo nito sa world market. Given na mainit sa bansang Pilipinas, sana magamit din ang free energy mula sa sikat ng araw nang hindi nasasayang ang gasolina at mapreserba pa ito sa parating na henerasyon.

arvintroymadronio
Автор

As AC specialist. Pareho lang konsumo nang non inverter, inverter grade at inverter in terms of energy consumption. Mag base kayo sa high EER na units dahil doon nyo makikita kung mababawasan ang kilowat consumption nyo dahil fix ang kilowat rate sa meralco. Mas makakatipid kayo kung minimal lang ang gamit sa aircon. Best life hacks ay patayin sa main breaker ang appliances kung di ginagamit dahil nag gegenerate pa din nang electric consumption ang mga yan kapag nakasaksak. Example ang tv kapag nakasaksak pero nakapatay sa remote, makikita nyo umiilaw sya red. Safety features nang appliances yun para di pasukan nang insekto. Best to recommend kung may AC ka, mag invest ka sa solar power na pwede connect sa AC mo. Nasa 25k pataas ang price non depende package at consumption na kelangan nang AC

bettywaptv
Автор

Lots of consumer believes in product advertisement and marketing strategies(Don’t be fooled by these strategies), , but these advertisers mostly don’t explain the concept of inverter appliances, why it s called inverter and how it saves power consumption, what the disadvantages and what are the gray areas just to mislead the costumer.

vivroursolen
Автор

Para makuha ang tipid s inverter ay dapat set sa 22-25. Sa start pidi set nu ng 19 pro once lumamig na xa ay agjust sa 22-25. Jan nu makukuha ang sinsabing inverter. Pro hindi ibig sabihin na 24/7. At pag d ginagamit tinatanggal p din ang saksakan dahil kahit off yan kumakain p din ng kuryente yan

armandovillanueva