PRODIGAL SON | San Jose De Trozo Choir 1 | 032722

preview_player
Показать описание
PAGPAPATAWAD 😇

Ikaw at ako ay katulad ng alibughang anak sa ating Ebanghelyo ngayon at ang ama naman ay ang ating Diyos Ama na paulit-ulit na sa atin ay nagpapatawad sa kabila ng ating mga pagkakasala. 😇

Ang pagpapatawad ay ang pagpapataw ng tawad sa mga nagkasala sa atin. Alisin na natin ang mga galit at poot sa ating mga puso. Maikli lamang ang ating buhay upang igugol ito na puno ng sama ng loob sa kapwa. Sa loob ng Eukaristiya ay ialay natin ang ating mga galit na nakapagdudulot sa atin ng kasalanan. Huwag manatiling bilanggo ng galit dahil wala itong magandang maidudulot sa ating buhay. Ang Banal na Eukaristiya ang makapagpapalaya sa atin sa mga galit at poot nating nararamdaman.

Ngayon ay "Laetare Sunday" na ang ibig sabihin ay "Magalak". Ito ay nagbibigay pag-asa sa atin at nagpapalakas ng loob natin sa panahon ng Kwaresma at nagpapaalala sa Pasko ng Pagkabuhay. 😇

God bless and heal you Fr. William Tan 😇

#SunDateWithGOD
#SanJoseDeTrozoChoir1
Рекомендации по теме