USAD - Naus feat. Dizzy (Prod. by DJ Medmessiah)

preview_player
Показать описание
Title - USAD
Written by Naus & Dizzy D
Produced by DJ Medmessiah
Shot by DJ Medmessiah
Edited by Malik
Executive producer Morobeats Ent. & Elem3nteast

Socials :
Naus
DJ Medmessiah -
Morobeats -

#usad #naus #morobeats
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

U S A D

Naus verse :

nagsimula sa di mapintang enerhiya
kaya't mas pinalawak pa ang pilosopiya
sa panahong mas malakas na ang dating mahina
sa lalim ay naibaon ko na ang nanghihila
habang pasan pasan ko ang kutya ng karamihan
dinumog ng pagsubok na parang tinatabunan
sinuka na nang panahong muntikang mabulunan
hanggang sa hinangad maging tinik sa lalamunan

nakakaumay ang paulit ulit na pagkadapa
humaba na ang sungay naputulan ng mga pakpak
sa tayog ng lipad 'syang lalim ng aking pagbagsak
dugo ang puhunan sa bawat tinta na tumatatak
kaya nga naibigan kong sumalungat sa agos
hindi inalintana mga sugat ko at galos
sumagi na sa isip kailan ba makakaraos
gayunpaman ang lakbay ko'y hindi pa matatapos

Hook :

( Kayang kaya mong dalhin, labanan mo ang hirap umuusad ka na din
wag mong mamasamain hindi porket nahihirapan di mo na kayang dalhin 2x )

Dizzy D verse :

sa aking muling pagbangon asahang mas malakas
dala dala ko ang pangako ng kahapong binagtas
hinasa ang isip at pinatalas ang pagbigkas
kinilatis ng maigi ang piniling bakas
na susundan, kaya nabuksan ang kakayahan
na mapunan ang kakulangan sa pag tukoy ng
tamang dahilan, para tuloy na humakbang
at maibsan ang panghihinayang sa nakaraan

lakad abante, hanggang matunton ang destinasyon
wag pakampante, sa kung anong alam mo lang ngayon
laging bakante, ang utak sa bagong impormasyon
ang importante, alam ko ang aking inspirasyon
at ako yon. kaya obligado na galingan
mga dagok at hamon na dapat kong lampasan
oo hindi madali, posible pang magapi
titiisin ko ang hapdi nang di magsisi sa huli

Hook :

Kayang kaya mong dalhin, labanan mo ang hirap umuusad ka na din
wag mong mamasamain hindi porket nahihirapan di mo na kayang dalhin

MOROBEATS
Автор

Very goodz, walang druga, wlang lasingan, walang nudity at bastos porno images, walang awayan, walang payabangan ng pera, walang wlang bayolente, walang suntukan, walang barilan, ito kasi tema ng hiphop nung 80s at 90s...RESPECT lng

b_sugar
Автор

Eto yun inaantay ko simula nun tinugtog to sa u.p 🔥

oliver-trmd
Автор

Ayown HEHE andito nrin po ko sa yt kakakita ko lng sa fb at heto nga titulo GRABE UMPISA PALANG ng barahan Apaka Lakasss na🎉🔥⚡

lordunomyusikbidyos
Автор

Great content MOROBEATS. share po natin to mga tropa.. 😊😊

tisoyy-tv
Автор

lahat nang napanood ko GOLD... ang ganda mga pre... Tuloy tuloy niyo lang...

zbatevp-vlogs
Автор

Iba talaga pag si kuya su at kuya Dizz. Wanhart❤❤

donace
Автор

DIZZY-gurado ('di sigurado) kung may progreso? Hey! NAUSad (Naus + Usad) ka na. MESSIAH (masaya) ako para sa'yo kapatid. 🔥🔥🔥

akosihpeso
Автор

keep it up mga kuys! Sulat lang ng sulat andito kami handang makinig at sumuporta sa inyo 🇵🇭🔥👏

STARGAZERS
Автор

Sa wakas na ilabas din ang mv... 🔥❤️🔥❤️🔥❤️🔥

kaliuetetrinidad
Автор

Galing mo Daniel, tara lakad tayo....

justme-veoj
Автор

Matindi to, ang galing ang hirap iedit to kaya sure na walang take 2 at true to life pa👌👌👌

ronealcenteno
Автор

walang tapon beat at lyrics ang husay saludo talaga sa mga kapatid nating MORO !!! 💯🔥❤️🙏🏽

_DMG