TIM - Meek & Chill (Official Music Video)

preview_player
Показать описание
TIM by Meek & Chill

Audio Credits:
Producer: Ryan M. Armamento
Arranger: Ryan M. Armamento
Lyrics: Mhot & K-Ram
Executive Producer: Music Colony Records for Warner Music Philippines

Music Video Credits:
Producer: Ryan M. Armamento
Director & Editor: Jeremy Lim
DOP: Jegz Montero
Supervising Editor: John Doe
Production Manager: Aaron Lim
Production Coordinator: Janine Go
Production Assistants: Ely Daniel / AC Lunar
BTS Video: BJ Tangco
Photographer: Zaldine Jae Alvaro

#MeekAndChill #MusicColonyRecords #Mhot #KRam #TIM

Contact us
Mobile number: 0998-9330393

Follow us on
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

[INTRO SKIT]

M: may balita bang bago
K: magpalitan na tayo
M: palawigin mga intriga na narinig lang sa tao
K: madali na ang magtahi ng sabi-sabing kinolabo
M: kung karamihan nagpapaniwala kahit di sigurado

[1ST VERSE]

K: mga palagay na hinango
M: sa haka-hakang inako
saloobin ang pinakamabisang paraan manghimasok
kapag ang balita nagbaga, yan ay tila ba alipatong
napakibilis maglipana, dami ba namang makigatong

mga usaping di matapos, sumisilip ng danyos
ang mga walang kinalaman, silang umusisa pa lalo
di alam ang pinagdaanan, sa makatuwid ay di kayang
suotin ang ibang sapatos, kayang punahin lang ang baho

kahit anong gawin mong salag, lahat animo'y kinokontra lang
mabuting nagawa limot agad, sa isang mali timbog ka na
harapin man o tumalikod, ang paratang ay mistulang patibong
kapag apektado ka talo-pikon,
parang aminado naman pag tikom ka lang

kung dati rati nagbubulungan lang ang mga nagdududa pa
at ang tanong na alanganin, “mga pinupunla mo magbubunga ba?”
mang-uuga pag lumago ka na, at dun mo makukuhang gaya din ng ani ang mga sabi-sabi, nangangahulugan na magbubunga-nga

[HOOK]
kahit na binabato, tingin nila'y naglilihim ako
di mo kailangang hanapin ang bagay kung ‘la kang ambag sa pagiging ako
kaya tanginamo
tanginamo..
di mo kailangang hanapin ang bagay kung ‘la kang ambag sa pagiging ako kaya tangina mo..

[2ND VERSE]

(K-RAM half)
di inakalang kikinang, di naman sa nag bibida
malimit lang nasa gilid may iniisip at tahimik lang
musika di (din) napagtitripan, kahit na taga hanga'y iilan
pinag patuloy ko lang hanggang mamunga mga tanim kong dinidiligan

at kung ano mang narating ko ay hindi ko din naman to inasahan
at nakapahirap din namang paniwalaan
tila ba suntok sa buwan pero balang araw ay aking tatamaan
marami man ang humaharang pero lahat balewala yan, habang..

(MHOT half)
likas na nga ang talangkaan anumang pwesto o katayuan
ginigipit paibaba ang halaga kesyo di namuhunan
o pag hindi natunghayan ang naging prosesong pinag gugulan
malamang di rin alam kung ano ang presyong makatarungan

walang bayad at tahimik na nangarap para sarili sa-
mantalang pag dating ng katuparan bakit parang dapat manliliibre ka
mga ugaling mala-bwitre parang may loob ka na inutang
sila ring hangad makuha mga bungang lalabas sayong bakuran at..

[HOOK] repeat 2x

MHOTivated
Автор

sarap talaga makinig pag ganito yung nagpapalawig ng intrega na hindi kayang ibuga ng iilang di sapat ang kakayahan na makipagsapalaran

johnrebbetilez
Автор

Eyy🔥🔥🔥
Congrats Meek & Chill more MV’s to come🙏🫶🥰

princessirishmamangon
Автор

lakas deym, more from both of you pls. .

Jd-kxqm
Автор

solid talga mag chorus si kram solid mhot!!!

renpingol