Pzycho Sid - Laro ft. Zargon (Lyric Video)

preview_player
Показать описание
Track info
• Title: Laro
• Artist: Pzycho Sid
• Featured Artist: Zargon
• Prod. By: Boy Koston Beats
• Mixed & Mastered by: Pzycho Sid

Follow us on Facebook:

#PzychoSid #Zargon #Laro #3FE

Laro feat. Zargon

Verse I:
Mabigat man ang pasang dala-dala
Patuloy paring lalaban walang ka dala-dala
Ilang bagyo mang hamon ang aking mga makabangga
Mga payong kapatid ang sinisilungang kasangga (kasangga)

Kayamanang sining ang aking likha
Galing sa mga dukhang yumaman gamit ang tula
Panulat lapis at papel mga tintang dumudura
ng mga obrang makabuluhan na tila pandigma

Sa mga tengang parang may malaking nakaharang
Nakikinig pero wala namang natutunang aral
Ang asal ay talangka manghila nalang pababa
Sa eksena yan lang ata ang para bang hindi na mawawala

Kung sa bagay mahina lang ang tingin sa mga natatalong
Pumusta't nagbabakasakali na manalo
Sa mundong di lang laban ng tagisan ng talino
Baon rin ang karanasan, diskarte at respeto

Hook:
(Sa laro) ng buhay yan ang sakin ang nagturo
(Sa laro) ng buhay jan ako ay mas natuto
Kahit madalas na talo di nagagawang sumuko
Wala kong pake kasi gustong-gusto ko na manalo

(Sa laro) ng buhay yan ang sakin ang nagturo
(Sa laro) ng buhay jan ako ay mas natuto
Kahit madalas na talo di nagagawang sumuko
Wala kong pake kasi gustong-gusto ko na manalo sa laro

Verse II:
Putang ina dito sa laro
Ako'y taas noo hindi ako yumuyuko
Ako ay taga turo sa mga utak bano
Hindi nag tururo kaya hindi ako na nuno

18 years nako dito sa pwesto
Malasa parin na mala pasta con pesto
Ang mga letra kung dinudura
Hindi lang basta laway may kasama pang kalagara

Ang tulad ko ay ibahin
Laging malupit kahit saan ako dalhin
Habang tumatagal ay lalong gumagaling
Wala kung balak ma-praning ako ang mang aaning

Tawagin mo akong master
Dito sa game hindi lang ako black belter
Ako'y taga pusoy kahit ika'y alas
Zargon lang ang malakas

Hook:
(Sa laro) ng buhay yan ang sakin ang nagturo
(Sa laro) ng buhay jan ako ay mas natuto
Kahit madalas na talo di nagagawang sumuko
Wala kong pake kasi gustong-gusto ko na manalo

(Sa laro) ng buhay yan ang sakin ang nagturo
(Sa laro) ng buhay jan ako ay mas natuto
Kahit madalas na talo di nagagawang sumuko
Wala kong pake kasi gustong-gusto ko na manalo sa laro

Verse III:
Dugo't pawis ang puhunan
nagsisipag kahit na pamasahe kulang
nilalako ang salita sa kamalayang
Naimbalido dahil sa'ting mga nakasanayan

Nakaraan na hindi mo na mababago pa
ang tangi lang magagawa'y tumayo sa pagkadapa
kalasin ang tanikala wag umasa sa himala
kumayod upang bukas siguradong may mapapala

Di madali ang mabuhay
madalas kailangang laging matibay
mapait karanasang nagbigay sungay
ngunit di bali binali ko ng ako ay magkamalay

Sa mga tunay na tanong eto ang tugon
katumbas ng henerasyon ang bitbit kong rason
At kung madapa man ako ng pitong beses ay
Tatayo parin sa pangwalo 'gang magtagumpay sa laro

24/7 grind
Zargon
Pzycho Sid
Bish!
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

isa kang tunay na Alamat ng Rap Sir ipag patuloy molang ang pag gawa ng kanta ang ganda ng meaning ng mga kanta.mo Sir.

ramonpoquita
Автор

nakita ko lang sa rate my bar ft. mista blaze.. I'm a fan now! padayon!

_renzivan
Автор

Satig na Tung song natoo.sabi no J-than mayabang solid.booss🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥

babyboos
Автор

Sa mga nag-aabang ng MV neto malapit nyo ng mapanood! 💯

PzychoSidOfficial
Автор

ganda neto sir konsepto pati
😊😊😊
nana korobi ya oki

cloudmtv
Автор

Tang ina ang tindeeee. Wasak na wasak yung beat 🔥🔥🔥

SpydaMalupet
Автор

solid lagi kong pinapa tugtog ito. sa studio

basaganngdiwarapbattle
Автор

Sunugin sa apoy Yong tatlong nag dislike🔥🔥🔥🔥🔥🔥

FadeuS
Автор

subukan nyo 1.25 ung speed mas maangas!!!

carlvillanueva
join shbcf.ru