Gloc-9 - Sirena(Lyrics) ft. Ebe Dancel || Ako'y isang sirena✨ || Aesthetic Chill Vibes

preview_player
Показать описание
Artists: Gloc-9 ft. Ebe Dancel
Song: Sirena
Year: 2012

[[LYRICS:]]

Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa 'kin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib

Simula pa no'ng bata pa ako
Halata mo na kapag naglalaro
Kaya para lahat ay nalilito
Magaling sa Chinese Garter at piko
Mga labi ko'y pulang-pula
Sa bubble gum na sinaba
Palakad-lakad sa harapan ng salamin
Sinasabi sa sarili, "Ano'ng panama nila?"
Habang kumekembot ang bewang
Mga hikaw na gumegewang
Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang
Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
Na galing sa aking ama
Na tila 'di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan
Laging nalalatayan
Sa paglipas ng panahon ay 'di ko namamalayan
Na imbis na tumigas ay tila lalong lumambot
Ang puso kong mapagmahal

Parang pilikmatang kulot

Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa 'kin dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib

Hanggang sa naging binata na ako
Teka muna mali, dalaga na pala 'to
Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin
Ano ba'ng mga problema n'yo?
Dahil ba ang mga kilos ko'y iba
Sa dapat makita ng inyong mata
Sa tuwing nanonood ng liga, laging natutulala
Kahit 'di pumasok ang bola, ako'y tuwang-tuwa
Kahit binaliw na sa tapang, kasi gano'n na lamang
Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
"Tama na naman, Itay, 'di na po ako pasaway
'Di ko na po isusuot ang lumang saya ni Inay"
Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon

Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon
Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat
At inaabot ang ganda ko papailalim ng dagat

Lumipas ang mga taon na nagsipag-asawa
Aking mga kapatid, lahat sila'y sumama
Nagpakalayo-layo, ni hindi makabisita
"Kakain na po, Itay, nakahanda na'ng lamesita"
Akay-akay sa paglakad, paisa-isang hakbang
Ngayo'y buto't-balat ang dating matipunong katawan
Ngayon sa iyong kaarawan, susubukan kong palitan
Ang lungkot na nadarama, 'wag na po nating balikan
Kahit medyo naiinis, hindi dahil sa nagka-cancer
Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y naka-duster
Isang gabi, ako'y iyong tinawag, lumapit

Ako sa'yong tabi, ika'y tumangan, kumapit
Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
"Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa
'Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha

Dahil kung minsan, mas lalake pa sa lalake ang bakla"

Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa 'kin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib

Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng gawin nila
Bandera ko'y 'di tutumba

Thankyou for watching! I hope you enjoy my lyrics video. Dont forget to subscribe and like my videos. Godbless you all.

Copyright adisclaimer Under Section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for "fair use" for purposes such as criticism, comment, news reporting teaching, scholarship and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing. Non-profit, educational or personal use tips the balance in favor of fair use.

#music #chill #aestheticvibes #vibe
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

This will never get old . Gen. To gen .

leahannerojas
Автор

Napa play ako ulit, kinakabisado lyrics ..pero naiiyak ako lagi. Ang ganda tlga ng mga kanta ni Gloc9. Lahat may kwento ❤

sheinanogales
Автор

Yung linya talagang "di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha dahil kung minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla" hits hard. May mga lalaki na di kayang magpakalalaki sa anak nila pero sa ibang babae nila, willing gumastos ng sobra sobra. Yung iba, may obligasyon na pero nagbubuhay binata pa.

paejiong
Автор

salamat Gloc... sa pagiging mabuting ama

junslykitay
Автор

Nakakamisss ito!! Buti nalang naalala ko ung kinakanta ko noong bata pa ako parang mga 4 palang ata ako noon ngayon 11 na😭

YOLADAJuanco
Автор

Kinakanta koto dati nung 4 yr old at ngayon 16 nako

karenesigto
Автор

The Best Raffer kapa din GLOC 9! WALANG WALA ANG MGA IBANG NAG RA Raf sa henerasyon ngayon. Da best pa din kayo nila Andrew E wooooh!❤

AnnaLizaADimla
Автор

This song is not only good but also the lyrics! Damn. 🔥

yvescdl
Автор

Just my favorite and my sleep rinarap komona yan idol gloc-9 salamat

ronaldmontes
Автор

paborito ko ung kanta niyo lalo na po yan pinapraktis ka po yan

raymondtambule
Автор

Nagawa ko narin nakabisado kona thx po idol gloc 😢😢😢😊😊😊

Analynbutalid
Автор

Favorite koto talaga lalong lalong na may rap❤❤

LyzaPastera
Автор

Ansakit ng kanta na nakakaawa sa tatay HAHAHA

crisemnace
Автор

Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa 'kin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib

Simula pa no'ng bata pa ako
Halata mo na kapag naglalaro
Kaya para lahat ay nalilito
Magaling sa Chinese Garter at piko
Mga labi ko'y pulang-pula sa bubble gum na sinaba
Palakad-lakad sa harapan ng salamin
Sinasabi sa sarili, "Ano'ng panama nila?"
Habang kumekembot ang bewang
Mga hikaw na gumegewang
Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang
Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
Na galing sa aking ama na tila 'di natutuwa
Sa tuwing ako'y nasisilayan, laging nalalatayan
Sa paglipas ng panahon ay 'di ko namamalayan
Na imbis na tumigas ay tila lalong lumambot
Ang puso kong mapagmahal parang pilikmatang kulot

Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa 'kin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib

Hanggang sa naging binata na ako
Teka muna mali, dalaga na pala 'to
Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin
Ano ba'ng mga problema n'yo?
Dahil ba ang mga kilos ko'y iba
Sa dapat makita ng inyong mata
Sa tuwing nanonood ng liga, laging natutulala
Kahit 'di pumasok ang bola, ako'y tuwang-tuwa
Kahit binaliw na sa tapang, kasi gano'n na lamang
Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
"Tama na naman, Itay, 'di na po ako pasaway
'Di ko na po isusuot ang lumang saya ni Inay"
Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon
Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon
Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat
At inaabot ang ganda ko papailalim ng dagat

Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa 'kin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib

Lumipas ang mga taon na nagsipag-asawa
Aking mga kapatid, lahat sila'y sumama
Nagpakalayo-layo, ni hindi makabisita
"Kakain na po, Itay, nakahanda na'ng lamesita"
Akay-akay sa paglakad, paisa-isang hakbang
Ngayo'y buto't-balat ang dating matipunong katawan
Ngayon sa iyong kaarawan, susubukan kong palitan
Ang lungkot na nadarama, 'wag na po nating balikan
Kahit medyo naiinis, hindi dahil sa nagka-cancer
Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y naka-duster
Isang gabi, ako'y iyong tinawag, lumapit
Ako sa'yong tabi, ika'y tumangan, kumapit
Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
"Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa
'Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha
Dahil kung minsan, mas lalake pa sa lalake ang bakla"

Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa 'kin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib

Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng gawin nila
Bandera ko'y 'di tutumba

Translate to English

elie_pd
Автор

Na a alalako Ang pagkabatako deto sakant nato

AnnamareSalazar