MGA NATURAL NA LUNAS PANTANGGAL NG STRETCHMARK!

preview_player
Показать описание
Natural na paraan upang mabawasan at maalis ang stretchmark.
1. OIL TREATMENT
Ang Olive oil, Virgin Coconut oil,Castor oil, Lavender Oil, Almond Oil, And Chamomile Oil ay tlagang napaka ganda para sa balat. ang natural na langis nito ay napaka gandang moisturizer sa balat meron itong kakayanan na mabawasan o maalis ang stretch mark.

Ipahid lamang ang natural na langis sa stretch marks at dahan dahang imasahe pa ikot sa loob ng 5 hanggang 10 minuto sa pag gawa nito dadaloy ng maayos ang dugo. Ulit ulitin ito araw araw at ang strech mark ay mapapansing nag lalighten at nababawasan.

2. ALOE VERA
Ang Aloe Vera ay isang halaman na may collagen na maganda para sa balat, nakakapag repair ito at nakagpapagaling ng mga sugat sa balat. Meron din itong soothing effects mga katangian upang maalis ang stretchmark.

Ipahid lamang ang sariwang aloe vera gel sa bahagi na may stretch mark at hayaan sa loob ng dalawang oras at ska ito banlawan.

3. EGG WHITES
Ang puti ng itlog ay mayaman sa amino acids at protina, na makakatulong na lunas sa para sa stretch marks. Ang puti ng itlog ay mayaman din sa collagen and vitamin A na nagagawang makapagaling ng peklat at paso.
Batihin lamang ang puti ng itlog at ipahid sa apektadong bahagi ng balat, hayaang matuyo at saka banlawan.

4. LEMON JUICE
Ang Lemon juice ay may natural na acidic, na nakakatulong sa pag galing ng balat at nakakapag alis ng stretch marks, acne, at iba pang peklat sa balat. Tinatawag din itong natural bleaching agent. Ang alpha-hydroxy acids (AHA) and vitamin C na meron sa lemon ay nakakapag tanggal din ito ng dead skin at may kakayananang maalis ang stretch mark.

Maghati lamang ng lemon at ipahid ito sa stretchmark hanggang manoot sa balat ang katas. Ibabad sa loob ng 10minuto at saka banlawan.

5. POTATO JUICE
Ang Potato juice ay naglalaman ng vitamins at minerals na nakakapag panumbalik ng malusog na balat. Dahil ang potato ay nakakapag pasigla ng collagen at nakakapag panunumbalik ng celula ng balat at nakakatulong para maalis ang stretchmark. Ito ang Pinaka mura at mabisang remedyong lunas sa stretch mark.

Mag hiwa ng maninipis na Potato at ipahid sa stretchmark ibabad ito sa loob ng lima hanggan sampong minuto.
Рекомендации по теме