PAANO MAG IPON NG PERA Kahit Maliit ang Kita? (Ipon Tips)

preview_player
Показать описание
Gusto mo bang malaman kung paano makaipon kahit maliit lang ang iyong income?
Madalas mo rin bang tinatanong ito sa iyong sarili, pero hindi mo alam kung paano at saan magsimula?
Tamang-tama dahil yan ang tatalakayin natin ngayon.

Sa iyong palagay, magkano kaya ang sapat na income para mamuhay ng komportable dito sa Pilipinas? Ang ibig kung sabihin sa pamumuhay ng komportable ay yung meron kang time para mag-enjoy, nababayaran mo on time ang iyong bills, nabibili mo lahat ng kailangan mo, meron kang ipon, at nakakatulog ka ng maayos gabi-gabi, dahil wala kang iniisip na mga bayarin.

Walang specific na sagot sa tanong na ito dahil magkaiba tayo ng sitwasyon.
Yung iba ay meron ng pamilyang binubuhay. Samantalang yung iba naman, ay nagsisimula palang magtrabaho. Sa ibang salita, magkaiba tayo ng mga gastusin dahil magkaiba tayo ng priority.

Pero kahit marami tayong pinagkaiba, makikita natin na karamihan sa ating mga pinoy ay magkapareho ng problema sa pera. At ang problema na yun, ay ang kawalan ng ipon.
Common na problema ito ng lahat. Kahit mga taong kumikita ng malaki ay nahihirapang mag-ipon.

Ayun sa ibinahaging data ng Department of Labor and Employment. Ang minimum na sahod ng mga pinoy sa taong 2023, ay 610 pesos per day. Ibig sabihin, ang estimated monthly income ng mga kababayan nating nagtatrabaho, ay 12,000 pesos kung nagtatrabaho sila ng limang araw sa isang lingo at hindi bayad ang kanilang mga day-off. At 18,000 pesos naman kung sakaling bayad sila sa loob ng isang buwan.

Kung nahihirapan karing mag-ipon ngayon, at naghahanap ka ng solusyon sa iyong problema, inaanyayahan kitang mag-invest ng iyong oras sa panunuod ng videong ito. Dahil ibabahagi ko sayo ang mga paraan o strategies na pwede mong gawin, para makaipon kana ng pera at para narin malayo ka sa mga financial stress.

Ang videong ito ay nahahati sa tatlong parte.
Ang part one ay tungkol sa ating income. Kung ano ang dapat gawin para lumaki ito.
Ang part two ay tungkol sa ating ugali at mindset sa pera. Kung bakit mahalaga itong ayusin.
At ang part 3 ay tungkol sa pag-iinvest. Hindi lang sapat na meron kang malaking income, dapat ay meron karing investment.
Kaya seguradohin mo na mapanuod mo ang buong video at malista ang mga mahahalagang aral.

CONTACT US;

FOLLOW US;

#ipontips
#Howtosavemoney
#WEALTHYMINDPINOY
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Ano ang ginagawa mo para makaipon?
Maraming salamat po sa panonood ng videong ito. Sana ay marami kang natutunan.😎🙏🏻

WEALTHYMINDPINOY
Автор

Huwag GUMASTOS ng mas MALAKI pa sa kinikita mo, maaga ko itong NATUTUHAN sa Nanay ko, nakita ko ung STRUGGLES nila sa paghahanap buhay, but, ONE thing I saw with my Mother is she always PRIORITIES her savings, kaya medyo NAKAKALUWAG kami nun, nakikita ko siya nun na NAGTATABI sa kanyang alkansiya, kaya NATUTUHAN namin na mag ipon sa alkansiya, hanggang sa LUMALAKI na kami, ang pag iimpok ang itinuro sa amin ng Nanay ko. Nagpapasalamat ako sa kanila, dahil PAREHO silang masipag maghanap buhay, palaging sinasabihan kami na MAGTAPOS sa pag aaral, palaging sinasabi nila sa aming magkakapatid ay HINDI sila aasa o hihingi sa amin pag matanda na sila, at NANGYARI talaga yun, HINDI sila humihingi sa amin kahit RETIRED na sila, dahil may mga retirement funds, at insurance sila...kaya MALAKING pasasalamat namin sa kanila dahil TINURUAN kaming mag ipon, at mag INVEST, at ang kahalagahan ng EDUKASYON, SALAMAT sa inyo, Nanay, at Tatay...FOREVER, grateful to you.

normanocampo
Автор

Sa akin nga mininmum 12hrs dury plus OT sa edad ko na 25 nakapundar ako ng lights and sounds for rent, my kaunting baboyan, baka at kabayo kasi mahilig ako sa hayop, nakabili ako ng mulricab, brandnew motorcycle at kunting savings ko ngayon, laki pasasalamat ko sa.panginoon dahil wala akong bisyo at mejo kuripot

cebusoundadiks
Автор

magtatagumpay ako ipinapangako ko sa sarili ko, hindi ako titigil hanggang sa marating ko na yung goal ko at ako naman ang makatulong sa ibang tao

kingofthejungle
Автор

Huwag gumastos At wag mag padala sa Emosyon Kaya Ngayon Kahit bata pako Sisimulan kona ang Pag iipon maraming salamat po Sapag bigay ng Tips❤

ShingPlayz
Автор

Sari Sari store lang ang income ko pero nag iipon at nag manage ng aking pera simple lang pero gusto ko yumaman hanggang sa pag tanda sana matagumpay ang aking plano 😊

Kewpiedie
Автор

habang binata o singel mag ipon na bago mag asawa.
kapag may asawa na at basic salary lang malabo makaipon kahit anong gawin kc taon taon tumataas lahat .💖💖💖💖💖💖💖

rommelapelacio
Автор

Malaking tulong sakin ang pagiging financial advisor as a part time job. 🥰

chryzeljoy
Автор

Para sa akin makipon ang isang tao kahit kunting sahod, wag magmadali mag asawa lalo mataas na ang bilihin. Mag asawa tamang panahon at isa lang ang anak. Age limit sa boy, 35 to 40. Sa girl 30 to 35. Mag kaanak ang girl kahit 38 to 40 bastat walang besyo, healthy!

RodericCabayao
Автор

Sa tatlong strategies na pinaliwanag isa lang ang nagagamit ko sa ngayon dahil isa pa akong istudyante, ang bagohin ang mindset about sa pera kadalasan yung extra allowance ko nilalagay ko sa ewallet savings account ko dahil tumataas ang ipon ko buwan² pinilit ko yung sarili ko na di mag gastos ng gastos at ngayon malapit ko na makuha ang isa sa pinangangarap kong bagay ang magkaruon ng motorsiklo tyaga lang talaga isa sa nakakadagdag mapalago ang pera ang paglalagay ng pera sa savings account

jeremytapon
Автор

Makaka ipon ka kung wala kang sariling pamilya.. Pero Pag meron ay medyo mahirap talaga..

morganbitoljeron
Автор

Ito ay isang mahusay na video, marami akong natutunan sa panonood ng iyong mga video at ito ay nakatulong sa akin. Ang pagbuo ng matatag na kita  ay medyo mahirap para sa mga baguhan.. Salamat kay Mrs. Stella Hu para sa pagpapahusay ng aking portfolio. subaybayan ang magagandang video.

NicoleNatasha-xh
Автор

Maraming salamat po sa tips boss Ako hirap Maka ipon gawa nga Ang asawa kodi marunong mag invest at di marunong humawak Ng pera Sabi ko sa kanya ilista lahat Ng gastusin at bilangin natin sa loob Ng Isang bwan Kasi nag tataka Ako dalwa lang anak namin. Bakit kina kapos pa kami ung panganay palang Ang nag aaral eh samantalang ok Naman Ang kita ko 2weeks ko eh 13k tapos Sabi sakin napaka gastos daw Ng mga anak ko Sabi ko pag ganito Tayo wlang mangyayare kaya till now Ako nag ipon savings ayun kahit kaunti miron Ako na itabi salamat sa mga payo mo boss lalo Pako mag pursigi sa work at pag iipon😊 gob blees u

Kuyakidzpogi
Автор

Bsa sarili tlga qng pno uuunlad buhay mo disiplina sa Pera dapat kaw ung my control sa pera kc sa huli jaw dn ung ngtatamsa

aniwaycaranguian-nzhx
Автор

Maganda Po ang nga narinig ko sir tulad kupo na magastus lagi ngayun alam Kuna Po kung ppano gumamit ng Pera sir thank you Po sir sa mga pag ppayo nyu Po at pag aaral ng mga ganitong tema Po kung ppano Po mag ipon ng Pera at humawak pi

ryannierva
Автор

gusto ko ito e apply sa sarili ko.
nakaka inspire yung mga message

jeysondumagsa
Автор

. Mahirap kasi pag isa kang employee dito sa pilipinas hindi naman nasusunod ang 8 hours of working time eh . Kadalasan nag render ka nang 10 hours to 9 hours . Yung iba naman abusadong employer sa mga trabaho kadalasan 12 hours of working ka . Kaya yung iba nawawalan na rin nang time para sa extra income dahil nag hahabol ka rin sa oras nang tulog at pahinga mo kada araw kasi hindi rin tayo robot .

derickaldas
Автор

Good morning to paraan ko sapag e epon LAHAT Ng gastusin kailangan pag isipan, na mayron parin natira, Yun ay savings ko, kahit mag shopping Ako, palagi, , Yung savings ko Hindi nagagalaw, kahit konti lang Ang income ko, nadagdagan parin Ang savings ko, kaya kailangan marunong Ka magbodget, maliit man o Malaki Ang income mo, , , thanks and GOD bless everyone ❤️❤️❤️❤️😊

girlielagradilla
Автор

isa lamang po akong load vendor pero naka kuha po sa inyo ng atleast yung money at investment maliit lang income ko halos masuwerte na maka 2k ako sa isang vuwan, thanks po kahit paano may nakuha ako learning.

melcuadernotv
Автор

Isa akong artist illustrator I na contractual. 10, 000k lang ang sahod ko. Single nga ako pero di ako maka ipon kasi minsan, 5000 rin yung kinukuha saakin ng parents ko kasi sakitin na rin sila. Ang problema pa, nasira pa yung laptop ko at hindi ako matulongan ng boss ko na maka request ng laptop sa university kasi kailangan rin ng backer. Kung ma tapos ko yung priject ko, mag try ako sa online na side lines. Ina abangan ko rin kasi na mag ka item ako balang araw by skills iligibility.

mikasauchiha