Ang Nakakikilabot na Propesiya ng Apat na Halimaw ng Daniel 7 / Pagkatapos Darating na Ang Wakas

preview_player
Показать описание
Ang Nakakikilabot na Propesiya ng Apat na Halimaw ng Daniel 7 / Pagkatapos Darating na Ang Wakas

Daniel 7
Ang Pangitain ni Daniel tungkol sa Apat na Halimaw
7 Noong unang taon ni Belsazar bilang hari ng Babilonia, si Daniel ay nagkaroon ng pangitain sa kanyang panaginip. Isinulat ito ni Daniel.

2 Isang gabi nakita ko na kabi-kabila ay binabayo ng malakas na hangin ang malaking dagat. 3 Mula sa dagat ay may umahong apat na iba't ibang halimaw. 4 Ang una ay parang leon, ngunit may mga pakpak ng agila; habang ako'y nakatingin, nabunot ang mga pakpak nito. Umangat ito sa lupa at tumayong parang tao. Binigyan ito ng isip ng tao. 5 Ang ikalawa naman ay parang oso. Ang dalawang paa lamang nito sa huli ang inilalakad at may kagat pang tatlong tadyang. May tinig na nag-utos dito, “Sige, magpakasawa ka sa karne.” 6 Ang ikatlo ay kahawig ng leopardo. Ito'y may apat na pakpak sa likod tulad ng sa ibon, apat din ang ulo, at binigyan ito ng kapangyarihan. 7 Pagkaraan, nakita ko ang ikaapat na halimaw. Nakakatakot ito at napakalakas. Bakal ang ngipin nito at niluluray ang anumang makagat at tinatapakan ang matira doon. Kakaiba ito sa tatlong nauna sapagkat ito'y may sampung sungay. 8 Pinagmasdan kong mabuti ang mga sungay at nakita kong may tumutubo pang isa. Ang tatlong sungay ay nabunot upang magkaroon ng puwang ang sungay na tumutubo. Ang sungay na ito ay may mga mata na tulad sa tao at may bibig na nagsasalita ng sobrang kayabangan.

Ang Pangitain tungkol sa Nabubuhay Magpakailanpaman
9 Habang ako'y nakatingin, mayroong naglagay ng mga trono. Naupo sa isa sa mga ito ang Nabubuhay Magpakailanpaman. Puting-puti ang kanyang kasuotan at gayundin ang kanyang buhok. Ang trono niya'y naglalagablab at ang mga gulong nito'y nagliliyab. 10 Parang bukal ang apoy na dumadaloy mula sa kanya. Pinaglilingkuran siya ng milyun-milyon, bukod pa sa daan-daang milyon na nakatayo sa harap niya. Humanda na siya sa paggagawad ng hatol at binuksan ang mga aklat.

11 Dahil sa sobrang kayabangang sinasabi ng sungay, muli akong tumingin at nakitang pinatay ang ikaapat na hayop at inihagis ito sa apoy. 12 Ang iba namang halimaw ay inalisan ng kapangyarihan ngunit binigyan pa ng panahong mabuhay.

13 Patuloy ang aking pangitain. Nakita ko sa alapaap sa langit ang parang isang tao. Lumapit siya sa Nabubuhay Magpakailanpaman. 14 Binigyan siya ng kapamahalaan, ng karangalan at ng kaharian upang paglingkuran siya ng lahat ng tao sa bawat bansa at wika. Ang pamamahala niya ay hindi magwawakas, at ang kanyang kaharian ay hindi mawawasak.

❤️Share this video with a YouTuber friend using this link:❤️

🔴WARNING DON'T CLICK THIS🔴

🔔SUBSCRIBE HERE🔔

🚀Email Address 🚀

🔴FAIR-USE COPYRIGHT DISCLAIMER:🔴
Copyright Disclaimer Under Section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for "fair use" for purposes such as criticism, commenting, news reporting, teaching, scholarship, and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing. Non-profit, educational or personal use tips the balance in favor of fair use.

©2021, Sa Iyong Araw (Gn Brown Creative Media)

ALL CREDITS TO GOD
TO GOD BE THE GLORY

Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

true po yan palapit na ng palapit ang pagdating ng ating Panginoon unti unti napo tayo ginigising ng mga ng yayari ngayon saating mundo ako po ay tunay na naniniwala sa mga nakasaad sa Bible verse 🙏❤️

rowenaendraca
Автор

Maraming salamat po sir SIA Ng dahil po sa iyong mga ibinabahagi ay unti unti ko pong nalalaman Ang katotohanan ..natuto po akong magbasa Ng bibliya...ipagpatuloy mo lamang po iyan at dadami rin Ang kagaya ko na unti unti Ng nalalaman Ang katotohanan..salamat po sa panginoong hesus at sa Kabila po Ng aking mga nagawang kasalanan ay ako poy Hindi niya kinalimutan tunay po siyang mahabagin..Wala po siyang katulad ...at Ngayon po ay kasa Kasama kopo siya dito sa aking puso na sa bawat kong Plano at pananalita at kilos ay sa kanya po ako unang humihingi Ng pahintolot kung Tama po ba Ang aking gagawin..at sa bawat mali Ng aking pag iisip ay humihingi po ako Ng kapatawaran at akin pong inaamin Ang lahat Ng aking mga kasalanan...Ang sarap mabuhay Ng Kasama natin si Jesus Christ sa ating Buhay...

Revelation.
Автор

Purihin ang Mahal na panginoon patawarin niyo po kami sa aming mga kasalan tulungan niyo po kaming magbago bago ang pagdating niyo Mahal namin Panginoon at Ama sa langit AMEN. oh GOD we love you❤️❤️❤️

ryanvlogabc
Автор

Magbalik loob tayo sa ating Panginoon pagsisihan ang ating mga kasalanan at tayoy maliligtas🙏🏻🙏🏻🙏🏻

raymundosalvador
Автор

Yes oh Lord Jesus we accept him he is our saviour Amen 🙏🙏🙏

julietatrajano
Автор

Sa Dios ang lahat ng karangalan at kapurihan at lahat kadakilaan magpakailan kailan man.amen
Salamat sa Dios

dennisformentera
Автор

Lord Jesus Save Us and Protect Us always .Lord is Our Savior I believed in You and I Love You Lord Jesus Amen ❤️🙏

titajulie
Автор

Yes Amen tinatanggap po namin ang Diyos Panginoon Jesus

melchorellaso
Автор

Jesus Christ is coming Amen
be ready all the time.
God bless

thekirkc.a.humility
Автор

Amen gabayan po ninyu kami ng panginoon jesus at ama salamat po sa pagdating na ninyu amen

marlonmanio
Автор

Ask God for wisdom and understanding. Because I understand this sermon and preaching of the Word of God.
The prophecy unfolding our very eyes right now. Daniel's prophecy.

thekirkc.a.humility
Автор

Sanay mgbalik-loob na Lahat ng tao s buong mundo s Panginoong Diyos...Amen

MariaGarcia-ilid
Автор

I accept LORD GOD in my heart. Handa na ako sa lhat dhil binigay ko na sa mahal na DIYOS ang asking buhay. In JESUS name amen.

filpontex
Автор

KEEP IT UP lng po boss..marami kaming natotonan sa mga post mo boss

junecelcadenas
Автор

Sana magkaisa tayong maglingkod sa panginoon, . Purihin ang Diyos sa kaitaas-taasan.

jonneltabios
Автор

Amen...Purihin ang Diyos na buhay ngayon at magpakailanman...Amen..Amen!

myrnareyes
Автор

GODBLESS po Everything will happen…Someday they Righteous n the Holy Will Enter the Kingdom of our Almighty GOD♥️♥️♥️

imeehowdeshell
Автор

This will eventually good news for you and for me and the entire human race.
God bless hallelujah

thekirkc.a.humility
Автор

lord Jesus I accept you as my Lord and my Savior. Thank you Jesus Amen

MrBoombuy
Автор

Isang napaka gandang content idol. God bless sayo. Dahil maraming totonan yung mga viewers mo.

apyongmixvlog