PANGARAP | Maikling Kwento | Teacher Gen

preview_player
Показать описание
Bawat isa sa atin ay may mga pangarap. Kailangan lamang ng ibayong pagtitiyaga at pagsisikap upang ito ay makamtan at matupad.
Sa mga batang mambabasa at makikinig ng kwentong ito, ano man ang iyong pangarap, ito ay matutupad, huwag ka lamang susuko at palaging sa Panginoon ay tumawag. May mga bagay na susubok sa iyong katatagan ngunit ang mahalaga ikaw ay magpatuloy at huwag hihinto hanggang sa maabot ang minimithi ng puso.
Sa mga kapwa ko guro ng Kindergarten, ang kwentong ito ay magagamit sa pagtuturo ng letrang Mm at Mga Kasapi ng Pamilya. Sa bawat taon ng ating pagtuturo, iba’t ibang bata ang dumadaan sa atin. Iba’t iba ang kwento at kalagayan sa buhay. Bilang mga guro sa Kindergarten, isa tayo sa mga pundasyon ng bawat pangarap na binubuo ng bawat batang nasa ating pangangalaga. Kaya malaking bagay ang walang kapantay nating pagmamahal at pang-unawa sa bawat isang batang nasa loob ng ating silid-aralan. Magsilbi tayong inspirasyon sa bawat isa sa kanila.
Teacher Gen

Background Music Used:
If I Could Fly by Jonny Easton (Thank You So Much)
Рекомендации по теме
visit shbcf.ru