AKLAT NG 2 HARI

preview_player
Показать описание
#aklatng2hari
2 HARI 1
Si Elias at si Haring Ahazia
1Nang mamatay si Ahab, nagrebelde ang Moab sa Israel.
2Isang araw, nahulog si Ahazia mula sa bintanang may rehas sa itaas ng kwarto niya sa Samaria, at lubha siyang napinsala. Kaya nagsugo siya ng mga mensahero kay Baal Zebub, ang dios ng Ekron, para magtanong kung gagaling pa siya sa pagkakabaldado niya.
3Samantala, sinabi ng anghel ng Panginoon kay Elias na taga-Tisbe, “Salubungin mo ang mga mensahero ng hari ng Samaria at tanungin mo sila: Bakit kayo pupunta kay Baal Zebub, ang dios ng Ekron? Wala na bang Dios sa Israel? 4Kaya ngayon, sabihin ninyo kay Ahazia na ito ang sinasabi sa kanya, ng Panginoon, ‘Hindi ka na makakabangon sa higaan mo. Tiyak na mamamatay ka!’ ” Pagkatapos, umalis na si Elias.
5 Nang masabihan na ni Elias ang mga mensahero, bumalik ang mga ito sa hari. Tinanong sila ng hari, “Bakit kayo bumalik?” 6Sumagot sila, “Sinalubong po kami ng isang tao at sinabi niya, ‘Bumalik kayo sa hari at sabihin ninyo ang sinabi ng Panginoon: Bakit nagpadala ka ng mga tao para magtanong kay Baal Zebub, ang dios ng Ekron? Wala na bang Dios sa Israel? Dahil sa ginawa mo, hindi ka na makakabangon sa higaan mo. Tiyak na mamamatay ka!’ ”
7Tinanong sila ng hari, “Ano ang itsura ng taong sumalubong at nagsabi nito sa inyo?” 8Sumagot sila, “Nakasuot po siya ng damit na yari sa balahibo ng hayop at nakasinturon na yari sa balat.” Sinabi ng hari, “Si Elias iyon na taga-Tisbe.” 9Pagkatapos, pinapunta ng hari ang isang opisyal, kasama ang 50 tauhan, para hulihin si Elias. Umakyat ang opisyal sa ibabaw ng burol kung saan nakaupo si Elias, at sinabi niya, “Lingkod ng Dios, sinabi ng hari na pumunta ka sa kanya.” 10Sumagot si Elias sa opisyal, “Kung lingkod nga ako ng Dios, umulan sana ng apoy mula sa langit at sunugin ka pati ang 50 tauhan mo!” Dumating nga ang apoy at nasunog ang opisyal at ang 50 tauhan niya.
11Muling nagpadala ang hari ng isang opisyal kasama ang 50 tauhan para hulihin si Elias. Sinabi ng opisyal kay Elias, “Lingkod ng Dios, sinabi ng hari na pumunta ka agad sa kanya!” 12Sumagot si Elias, “Kung lingkod nga ako ng Dios, umulan sana ng apoy mula sa langit at sunugin ka pati ang 50 tauhan mo!” Dumating nga ang apoy ng Dios mula sa langit at nasunog ang opisyal at ang 50 tauhan niya.
13Nagpadala ang hari ng ikatlong opisyal kasama ang 50 tauhan. Pagdating ng opisyal kay Elias, lumuhod siya bilang paggalang, at nagmakaawa, “Lingkod ng Dios, mahabag ka sa akin at sa mga tauhan ko. Huwag mo kaming patayin na iyong mga lingkod. 14Nalaman ko na sinunog mo ng apoy mula sa langit ang dalawang opisyal at ang mga tauhan nila. Pero mahabag kayo sa amin.”
15Sinabi ng anghel ng Panginoon kay Elias, “Sumama ka sa kanya, huwag kang matakot.” Kaya sumama si Elias sa opisyal papunta sa hari.
16Pagdating ni Elias sa hari, sinabi niya, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Bakit nagsugo ka ng mga mensahero para magtanong kay Baal Zebub, ang dios ng Ekron? Wala na bang Dios sa Israel na mapagtatanungan mo? Dahil sa ginawa mo, hindi ka na makakabangon sa higaan mo. Tiyak na mamamatay ka!”
17Namatay nga ang hari ayon sa sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ni Elias. Dahil walang anak na lalaki si Ahazia, si Joram na kapatid niya ang pumalit sa kanya bilang hari. Naghari si Joram noong ikalawang taon ng paghahari ni Jehoram na anak ni Haring Jehoshafat ng Juda. 18Ang iba pang mga salaysay tungkol sa paghahari ni Ahazia ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Salamat po panginoon samga salitamo na tunay at buhay na ging kalakasan sa akin

LinaManalac
Автор

Salamat Po s DIOS
#mcgi
#angdatingDaan
#proudkristiana

proudkristiana
Автор

Salamat sa Diyos Salamat sa kanyang Salita Purihin ang Diyos ng Israel create heaven and Earth Amen🙏

ellenabe
Автор

Thank you Lord sa napaka ganda mong Salita Amen🙏

ellenabe
Автор

m sweet lord i trust u iplace m confidence i u glory t god en

ledinilacobarrubias
Автор

Salamat Jesus naniniwala talaga ako sau at sa nagsugo sau dito sa lupa

liezlserato
Автор

Amennn... Purihin ka Panginoon naming DIYOS! 🙏🙏🙏

jenifersanjose
Автор

🙏🏻🙏🏻🙏🏻 Lord Jesus Christ thank you so much to your words ❤️❤️❤️

arcelicalvo
Автор

This is good news to us amen hallelujah wohoo

grazielleannepausal
Автор

Amen panatag ang loob ko tabang nakikinig sasalita ng diyos

isabelletabon
Автор

Glory be to God Father the Son and the Holy's Spirit . Amen

veggiesplantandevrything
Автор

Thank you lord for everything and everyday...loveyou lord always 🙏 💓 💖 ❤️. AMEN 🙏 🙌 ❤️

analynadre
Автор

asking po ano pong Bible translation ang gamit nyu dito plsss want to have it and read it po kasi mabilis sya maunawaan

joyrabor
Автор

From today, I will bless you, Lord, at all times.

青山マリアカルミ