Kahit Alanganin - Slick One, Venice Breezy, Vlync Breezy & Lux Breezy

preview_player
Показать описание
PLEASE: Rate, Comment, Subscribe & Share this video.

DISC 1 - Track #4 Kahit Alanganin (High Quality)
Slick One, Venice, Vlync & Lux
From the album " Breezy Boyz Meet Breezy Girlz "
Recorded at Planta Musika Recording Studio
Instrumental by J.E. Beats
Produced by Abaddon
For bookings, Guestings & Shows, Contact #0919-237-1329

[FREE DOWNLOAD HQ LINK]

Official Lyrics

Intro: Vlync

Alam mong ipinipilit kong
Kahit Alanganin lahat ng mangyayari.
Mabigat man sakin
kahit alam ko na wawasakin
mo lang ang pag-ibig na alay sayo...

1st Verse: Slick One

Ang langit ko'y ibigin ka, ngunit alam kong sa isang banda
ay hindi mag-iiba ang katotohanan na sa kanya ka
at hindi magiging akin, habang buhay ko nalang bang nanaisin
kahit imposible na mangyaring ikaw ay akin lang
alanganin man ang sitwasyon
ay hindi ko kayang pagpaliban pa ang aking nararamdaman.
Pakiusap ko sana, hindi man tayo,
pwede hayaan mong sana mapadamang puso'y luluha
na nag-uutos na mahalin ka ng kusa...

Chorus: Vlync

Batid kong mahal na mahal mo sya,
hindi mo kayang itaya
kung anong nasimulan ng pusong hindi mapigil.
Dahil sya ang nakauna sa ginintuang puso mo
na pilit kong pinipitas sa puno ng pag-ibig mo...

2nd Verse: Venice

Pilit ko man hindi pakita o iparamdam
bawat galaw at kilos ko'y napuno na ng pagdaramdam
ang aking puso kahit na alam ko na ikaw ay kanya
tignan man sa ibang anggulo hindi matanaw, san banda.
Nariyan kaya ko sa puso mo o sadyang wala
dinarasal, gusto ko sana magkaron ng himala.
Kahit na Alanganin ang dating ko sayo, gusto ko sayo
pilit mang ibaling ang pag-ibig sa iba gusto na sayo.
Ang aking damdamin na gipit na gipit sa atensyon
hindi mapaliwanag kung bakit nagkaron ka ng koneksyon
sa aking buhay, basta't ang alam ko lang ay pilit kong
nilalabanan damdaming pakiramdam man ay litong-
lito na sa lahat ng bagay na nangyari...

Refrain: Vlync

Masakit man sakin
kahit alam ko na wawasakin
mo lang ang pag-ibig na alay sayo...

Chorus: Vlync

Batid kong mahal na mahal mo sya,
hindi mo kayang itaya
kung anong nasimulan ng pusong hindi mapigil.
Dahil sya ang nakauna sa ginintuang puso mo
na pilit kong pinipitas sa puno ng pag-ibig mo...

3rd Verse: Vlync

Ayokong nakikinig sa mga sinasabi nila
na meron na daw naunang iba.
Nagbaka-sakali lang naman na mapasakin
kang tuluyan na magbago pa ang pag-ibig mo sa kanya,
na hanggang langit mong pinagsisigawan kahit nasasaktan
akong paulit-ulit lang ang pangyayari, ooohhh.
Naghihintay na lumiwanag ang dilim, naghihintay na sagipin
ni kupido na sa pag-ibig ay sakin din
dahil ng panain ang dalawang pusong alanganin
na magsama, sumasayang sana,
laging umaasa kaso nasanay ka sa kanya
kaya Kahit Alanganin ay sige, sige lang...

Chorus: Vlync

Batid kong mahal na mahal mo sya,
hindi mo kayang itaya
kung anong nasimulan ng pusong hindi mapigil.
Dahil sya ang nakauna sa ginintuang puso mo
na pilit kong pinipitas sa puno ng pag-ibig mo...

4th Verse: Lux

Pinagmamasdan ko lang at tinititigan ka habang
ang mga pangyayari sa atin ay wala sa ayos at sadyang magulo.
Kinukunsinti ka, kahit na alam kong mahal mo pa
pero walang magawa dahil mas nangingibabaw ang pagmamahal.
Masakin man sakin ngunit kailangan kong tanggapin,
isa lang ang puso, bakit dalawa ang umaangkin.
Hindi ko magawang magalit kundi lambing sa tuwing tumitingin.
Hinihiling ko sayo na wag na sana,
alam mong masasaktan lang ako kaya wag mo na ngang ipakita.
Mas gugustuhin ko pang iba ang magsabi sakin
kaysa makita ko ng harapan, baka hindi ko lang kayanin, please...

Chorus: Vlync

Batid kong mahal na mahal mo sya,
hindi mo kayang itaya
kung anong nasimulan ng pusong hindi mapigil.
Dahil sya ang nakauna sa ginintuang puso mo
na pilit kong pinipitas sa puno ng pag-ibig mo...
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Ang ganda talaga ng kanta nato. ☺ theme song pa namin yan hehe May naalala lang ako 9 yrs nadin lumipas ang tagal na din pero dko paden sya makalimutan. May kanya kanya na kaming pamilya masaya ako at meron siyang maayos na pamilya at meron nman akong dalwang anak na nagbibigay ng saya sa buhay ko. di man kami yung tinadhana masaya akong dumaan sya sa buhay ko. :) Share ko lang hehe nakakathrowback yung kanta eh. 💖

jhemailopez
Автор

nakakamiss tumambay sa computer shop para lang makinig neto HAHAHAHAHAHAHA golddd

kimberlylykacudal
Автор

Cherry mobile phone natin tapos ganito mga naka saved na kanta sa memory card hehe

reinamyramelgar
Автор

2024 na, may nakikinig pa ren ba netong OG song nato ❤

LiwayVar
Автор

STILL SOUND TRIP PA DIN MAY.22.2020 👍 LIKE MO TO KUNG IKAW DIN ?

bigohub
Автор

Namimiss ko tong kanta na to dahil eto yung kanta sakin ng ex ko in heaven 😭😭😭 #JELO/13/2012 IMISSYOUJELO😭😭😭😍

jennysimundo
Автор

JUNE 27, 2019 and still listening to curse one, hambog and the rest of the Highschool life music. (batang 90s here)

heraldtabor
Автор

2023 but when it comes to heart breaking solid lyrics, this one of the best OG rap heart breaking song💯

davidcenon
Автор

year 2023 were drunk and talking about the past on how we became so energetic, cruel, gangster, and freedom! now we just handle responsibilities and obligations. So nice to bring back memories ❤

jheyyphilipbelleza
Автор

July 11, 2020
Pinaka tumatak at favorite songs ko since highschool 😔 May na mimiss ako sa kanta na to, only my bff since highschool and yung mga KTKY lang ang nakakaalam kung bakit naging favorite ko to ♥️ The best pa din tong kanta na to kesa sa mga kanta ngayon. Isa pa sa favorite songs ko is yung "tunay na kaibigan"

collinshanearmijo
Автор

Kaway sa mga nakikinig pa ng curse one

markjhaysonmontemayor
Автор

yung tipong di naman ako broken pero nakaka sadboy yung kanta hahaha solid talaga mga kanta nila, madadama mo talaga yung kanta na parang kinukwento lang nila buhay nila. last month ng 2023 nakikinig paden♥️

batangpalaman
Автор

Dati nung highschool ako, palagi namin tong pinapatugtog, pinapakinggan kahit hindi pa lubos maintindihan ung mensahe ng kanta, ngaun, hindi ko akalain na darating ako sa gantong sitwasyon, mas lalo kung naintindihan ung kanta. Bawat lyrics relate na relate ako. Pero ang pinagkaiba lang ng sitwasyon ko sa kanta, umiwas na ako at lumayo. Kasi alam ko un ung tama kahit sobrang sakit. Pero I'm happy right now sa pagpili ng tama. Siguro kung hindi ko pinili ang tama, nagdudusa pa din ako ngaun sa sakit at hirap. 😊😊😊

sherielynjabil
Автор

sarap balikan ang music na to kahit 2024 na❤

AbegeilMargate
Автор

March 2020
Sarap pakinggan
😍😘😍
Stay at home lang kase e 😭😭

iyacuison
Автор

Binabalik balikan ko talaga tong kanta na to, 2019!! 😊❤️

samestepar
Автор

november 5 2020 and still listening to this and curse one songs haha much better than ex b real talk 😂

itsjamdizon
Автор

2022 but still listening to this song, the lyrics 💔

vanessalebios
Автор

2021 na pero bumabalik parin sakin lahat ng memories😥😥😥 ang sarap kasi balikan yung tipong wala pang toxic na tao😥

rafaeldelossantos
Автор

THANKYOU SO MUCH BREEZY BOYZ AND BREEZY GIRLZ INIWANAN NIYO KAMI NG GANTONG KANTA NA KAHIT KELAN DI SAMIN MALULUMA♥️

JenniferChanco-mjxg