Alay Namin (Adbiyento)

preview_player
Показать описание
Ang liturhikong awit na ito ay nilikha ni Fr. Carlo Magno Marcelo. Ito ay angkop na awit para sa Pag-aalay ng mga Hain sa Altar tuwing Panahon ng Adbiyento, at ang katumbas na piyesa nito ay inaawit naman tuwing Panahon ng Pasko ng Pagsilang ["Alay namin sa Paskong dumating..."]. Ang korong umaawit ay grupo ng mga kalalakihan na umaawit sa Basikila ng Itim ng Nazareno (Quiapo) at Dambana ng Ina ng Laging Saklolo (Baclaran). Ang orihinal na buong Misa ay mula sa Sambuhay TV Mass.

Sa Paghahanda ng mga Hain na Alay sa altar, ang tinapay at alak na dinadala ay simbolo ng pakikiisa ng Diyos sa pamamagitan ng handog ng kanyang sambayanan. Ngayong Adbiyento, ang hiling natin na nawa tayo ay maging mabuti sa kanya at sa bawat nilalang, at maging tapat sa kanyang dakilang kalooban, upang makamtan natin ang kagalakan ng dala niyang regalo ng Pasko para sa atin: ang kanyang Anak, na si Hesus, na kapiling ang kanyang Sambayanan tuwing ipinagdiriwang ang banal na misteryo na ito.
Рекомендации по теме