Upuan (Lyrics) | Gloc 9 ft. Jeazell Grutas

preview_player
Показать описание
OPM // GLOC 9 // UPUAN

Upuan - Gloc 9

------
Lyrics

Kayo po na naka upo
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga Patay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan

Kayo po na naka upo
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

Mawalang galang na po
Sa taong naka upo
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin
Ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
Kaya...

Wag kang masyadong halata
Bato-bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
Wag masyadong halata (ooh)
Wag kang masyadong halata
Hehey, (Wag kang masyadong halata)
(Wag kang masyadong halata)

----

ENJOY WATCHING MY VIDEOS! THANK YOU!

NO COPYRIGHT INTENDED.
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Love this song para sa mga gobyernong mayayaman dyan na nakaupo Walang pake sa mga mahirap

femalegl
Автор

dati ine-enjoy ko lang 'tong kanta na 'to pero ngayon naiintindihan ko na ang mensahe na nais ipaharating ng kantang 'to sa lahat ng tao lalong-lalo na sa gobyerno.

hi-rslx
Автор

eto magandang sabayan ang lyric hindi katulad ng ibang upload ng upuan.. hindi ko alam kung anung words ang nagkamali😊

simalmodovar
Автор

Sana pinapatugtog pa rin ito ng mga bagong kabataan ngayon! The meaning of this song is very relatable

lazireojzehcnas.yt
Автор

Ngayun ko lang nagustuhan tung kantanag to nag mature nako❤️ sarap kantahin

mr.jaadeyycapon
Автор

🎉🎉🎉 that is fivorit song
😊😂😅❤😮😂😅😅😮❤😮😮

-chalea-
Автор

2022 still listening to this song. Lalo na't eleksyon, mamili ng tamang uupo sa mahalagang upuan.

lycacoja
Автор

This song has deep meaning and this never get old still think gloc9 has best rap song

DummyAcc-te
Автор

Here dahil sa school works and just realized what the song really means. And the fact that it's all true ☹️

shiori
Автор

this song never gets old talaga, never naman nagbago sistema

xanflower
Автор

I like ko po ung song kasi po trending po yan sa tiktok😁 ung parang Naka upo ka po na walang pake sa mayayaman!! i like dis song so much 😍😘🤩

robloxplayer
Автор

Extra ordinary grabe ang galing talaga ni gloc 9 mag rap best rapper of all time haha april 2022 still listening

khiziahsendrijas
Автор

Shout out po idol ko kasi itong kanta na ito ehh✌️☺️

Imnotprettybutimgoodgirl
Автор

Ginamit namin to sa tablu ganda ng results thank you sa song po

clivealberttutanes-wskj
Автор

Eto dapat ung pinapatugtog pagka eleksyon

joshuaferree
Автор

March 12, 2022 still listening.never gets old...

markbrianbilad
Автор

Wag sayangin Ang boto niyu, alam niyu kung sino Ang corrupt at sino Ang malinis Ang track record may pinag-aralan at mapagkakatiwalaan.🙂 #Lenikikoalltheway

johnlloydalibong
Автор

I love this song sarap kantahin sa cocous ..

yolandacariaga
Автор

Panalo at best tong kantang to, ang matamaan ay huwag masyadong halata🤣😭

whitehawkgrey
Автор

Hahaha pero nakaka saya ng mga tao haha 😂

PrincessBaldisimo