Earl Agustin - Tibok (Lyrics)

preview_player
Показать описание
»Song: "Tibok" By: Earl Agustin

👉Follow "Earl Agustin"👈

Lyrics of Tibok by Earl Agustin

verse

Nagsimula sa simple na pasulyap-sulyap, nagpapapansin sa 'yo
Umabot sa palitan ng mga mensahe, kilig na kilig ako
Kumusta? Kain na, hello, magandang umaga
Ingat ka, pahinga, huwag kang masyadong magpupuyat pa
Naramdaman ng puso na dahan-dahan akong nahuhulog sa 'yo
Sa kada araw natin na pag-uusap, mayro'n nang namumuo
Ngunit 'di ko na alam kung ano ang patutunguhan
Ang hiling ko lang naman na itong naramdaman

chorus

Sana, sana naman ay mapa-mapagbigyan na
At nang mapakinggan ang tibok ng puso kong sa iyo lang
Nara-naramdaman ang tunay na kaligayahan
Sana, sana naman mapagbigyan ang tibok ng puso, oh

verse

Hmm, ngunit biglang katahimikan, wala namang matandaan
Na nasabi, baka sakaling ika'y aking nasaktan
Bigla na lamang ika'y 'di nagparamdam
Ako ba'y pinagsawaan o may ginagawa lang?
Sabihin ang totoo (sabihin ang totoo) upang 'di na malito ('di na malito)
Saan ba lulugar? Hmm
Dahil 'di ko na alam kung ano ang patutunguhan
Ang hiling ko lang naman na itong naramdaman

chorus

Sana, sana naman ay mapa-mapagbigyan na
At nang mapakinggan ang tibok ng puso kong sa iyo lang
Nara-naramdaman ang tunay na kaligayahan
Sana, sana naman mapagbigyan ang tibok ng puso, oh, ano?

bridge

Sana'y huwag nang patagalin, aminin na rin
Nilalaman ng damdamin
Sana'y sabihin na sa 'kin (sa 'kin) kung mayro'n mang pagtingin
Sana'y ikaw rin

chorus

Sana, sana naman ay mapa-mapagbigyan na
At nang mapakinggan ang tibok ng puso kong sa iyo lang
Nara-naramdaman ang tunay na kaligayahan
Sana, sana naman mapagbigyan ang tibok ng puso
Sana, sana naman ay mapa-mapagbigyan na
At nang mapakinggan ang tibok ng puso kong sa iyo lang
Nara-naramdaman ang tunay na kaligayahan
Sana, sana naman mapagbigyan ang tibok ng puso

outro

Sana, sana naman ay mapa-mapagbigyan na (ooh)
At nang mapakinggan (ang tibok ng 'yong puso, hmm)
Nara-naramdaman ang tunay na kaligayahan (ooh)
Sana, sana naman

@Lyricistofficial-bwk2 #earlagustin #tibok #lyrics #youtube #music
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

buti nlng malakas ang social media at nabibigyan ntin ng sporta ang mga local artis sa music, wag sana kyo magsawa o mapagod sa pag likha at paghatid ng magagandang musica filipino.dto lng kmi para suportahan kyo🇵🇭

OPMTrendingHot
Автор

Sana ma play na yung cover ni rabin angeles ♥️♥️

ajacosta
Автор

Юрий әдемі айтат мнаган караганда даусы да адемы Юрий дын

СапаркулНарынбетова-хл