Purihin Natin Ang Lumikha

preview_player
Показать описание
Purihin Natin Ang Lumikha
Composition by Brother Ed Manguiat
Orchestration by Brother Eric Gabriel Along
Vocals by INC Sanctuary Choir

Minus one at 3:20

Tangi nating hangarin, sana’y ating kamtin—
Marating nating lahat, pangakong lupa.

Bawat bagay may hangganan—
Ang buhay, awit, katuwaan.
Maging hirap at sakit na sa ati’y sumasapit,
Napapawing ganap kung manalig.

Taglay nating buhay, 'di hawak,
Maikli, at marupok, bula ang tulad.
Ito’y ating gugulin upang Diyos nati’y purihin
At sa habang buhay Siya ay sambahin.

Kung may pagsubok at ligalig sa buhay,
Isipin mong iya’y pansamantala lamang;
Upang maging lantay itong ginto, sa apoy din ay dumaraan—
Manalangin ka’t nang loob mo’y tumibay.

Purihin natin ang Lumikha!
Sa Kaniya nagmumula ang pagpapala.
Tangi nating hangarin, sana’y ating kamtin—
Marating nating lahat, pangakong lupa.

Tayo’y saksi sa paglago ng Iglesia,
Maraming naakay sa matuwid na pagsamba;
Mga bahay sambahan, pag-aawitan
—lahat ng ito’y sa kapurihan
Ng Amang sa atin ay gumagabay.

Purihin natin ang Lumikha!
Sa Kaniya nagmumula ang pagpapala.
Tangi nating hangarin, sana’y ating kamtin—
Marating nating lahat, pangakong lupa.

Purihin natin ang Lumikha!

#iglesianicristo
#incoriginalmusic
#incchoralmusic
Рекомендации по теме