Natagpuan - Hope Filipino Worship (Official Lyric Video)

preview_player
Показать описание
NATAGPUAN
Words and Music: Lopee Yparraguirre, Maia Untal-Tuplano, Don Tuplano Jr. Niña Villanueva, Jhamin De Paz
2021 Hope Singapore CCLI no. 7178232

Verse 1:
Ang tinig Mo ay aking hanap-hanap
Sa gitna ng bawat takot at paghihirap
Sa kabila ng aking pagkukulang
Katapatan Mo O Diyos tanging laan

Pre-Chorus:
Sa puso at damdamin, Ika'y mananatili
Walang hanggan ang alay Mong pag-ibig

Chorus:
Natagpuan ang Iyong pag-ibig ng dakila
Doon sa krus, ako'y Iyong pinalaya
Hesus, ako'y aawit ng
Walang hanggang pagpupuri
Ang puso ko'y Sa'yo iaalay

Verse 2:
Panginoon Ikaw ang kaagapay
Kabutihan mo saki’y di nag kukulang
Panginoon Ikaw lang ang kailangan
Magpakailanman sa'Yo ako’y mananahan

Bridge:
Hangad ko lang ay mamalagi sa Presensya Mo
Natagpuan, ako’y binago ng pag-ibig Mo
Hangad ko lang ay mamalagi sa Presensya Mo
Luwalhatiin ang Pangalan Mo

Chords and Lyrics

#Natagpuan #BagongYugto #Tagalogworshipsong #HopeFilipinoWorship
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Hindi kayang baguhin Ng tao Ang Kanyang sarili. Pero kapag naunawaan niya Ang pag-ibig Ng Panginoon, ito Ang magbibigay sa kanya Ng lakas upang lumakad sa kalooban ng Diyos sa Kanyang Buhay.

sudoxe-xhhm
Автор

I put this comment here so that everytime someone likes it, I'll be reminded of this song because it heals something in me❤❤❤

worshipprayer
Автор

Nung nakilala ko ang Panginoon kaka ibang saya yung naramdaman ko yun yung saya na hindi ko pa naramdaman kahit kanino kahit sa magulang o mga kapatid ko o girlfriend o mga kaibigan yung saya na naramdaman ko noong nakilala ko sya Grabe hindi ko makakalimutan yun ako yung taong pinaka masaya nung araw na yun. Bago mangyare yun dati akong mabarkada dati akong adik sa marijuana inom at kung ano ano pang kasalanan dumating yung gabi na yun tandang tanda ko sabig na sabog ako sa marijuana non kasi ang buhay ko non hindi ako gigising o matutulog ng hindi ako babatak o titira ng marijuana kasi yun yung outlet ko para maibsan un lungkot takot at yung kulang sa buhay ko na hinahanap ko tapos yun dumating yung gabi na ako lang mag isa walang barkada naka upo ako sa kalsada naka tingala ako sa langit sabi ko sa Diyos " Diyos ko pagod na po ako sa buhay ko na ito paulit ulit na lang ang takbo .. kung totoo ka baguhin mo ako.." dumating ang birthday ko mag 20 years old ako noon naka hiwalay kasi ako s mga magulang at kapatid ko nakikitira lang ako lasing na lasing ako nung bday ko langong lango hindi ko alam ang nanay ko ay naka kilaa na pala sa Panginoon ginigising nya ako narinig ko " anak mag church ka magpasalamat ka sa Diyos kasi birthday mo kahapon dinagdagan ng Diyos ang buhay mo halika na tumayo ka na jan" ewan ko bigla nalang ako tumayo at sumama kahit sobra sakit ng ulo ko at don na pala ako kakatagpuin ng Diyos . Kaya pala wala ako palagi sa bahay namin magulo palagi s bahay palagi nag aaway nagmumurahan ang nanay at tatay ko kaya minabuti ko umalis ng bahay. Ngayon lahat kami sa bahay at tatay ko na dating siga at adik mga kapatid ko lahat kami ngayon ay Born Again Christian na salmaat sa Diyos sa pangako niya na isa maligtas buo sambahayan ililigtas nya.. Grabe ang PAG-IBIG NG DIYOS NA SIYA G BUMIHAG SA AKIN SINO AKO PARA IBIGIN NYA ISANG MAKASALANAN NAPAKA RUMI PERO KANYANG INIBIG NG LUBUSAN. PURIHIN KA PANGINOONG HALLELUJAH

maxwashington
Автор

One month ago, when I decided to quit my job. It was one of the tough decisions I ever made. But then, there's a beauty behind my unemployment. Kinatagpo ako ng Panginoon muli sa panahong isinuko ko ang mga pangarap ko sa paanan Niya. Mas nagkaroon ako ng maraming panahon to get closer to Him. Hangad ko lang ang mamalagi sa presensya Mo. These lyrics, speak to me. I surrendered my longings, desires, and even anxious thoughts. Binago ako ng Pag-ibig Mo, at patuloy na binabago. Luwalhatiin ang Pangalan Mo.

mariyalaleyn
Автор

Grabe, NAPAKABUTI NG DIYOS 😭😭😭, simula nung NATAGPUAN Niya ako, nagbago buhay ko, Nagka pamilya, naging engineer. Para Sayo to Lord😭, habang nabubuhay ako sa lupa patuloy kitang pupurihin kahit ano pa mangyari! ❤️

EnricoDPavia
Автор

23 years old na ako pero ngayon lang ako naging malapit sa diyos ngayon lang ako ng naka pag basa ng bible napakabuti mo po lord ❤❤

dianarosePerecas
Автор

August 7, 2024
3 months grieving from the death of my son. 3 months na din sa ministry.

Ill go back here, I pray that after a year I still have the oil in my fire to keep it burning

Mc-RyoZonio
Автор

Last year, dumaan ako sa matinding depression., Tinulikuran kong manilbihan sa Diyos, dahil na din sa kahihiyan. Pagkat alam naman natin na kung tayo ay isang alagad ng Diyos at isang tumatayong worship leader sa church sa mata ng tao wala tayong karapatang magkamali, . At dahil doon, bumitaw ako sa Diyos dahil sa kahihiyan. Dahil ayaw kong makarinig ng maraming masasakit na salita mula sa mga taong nkapaligid sakin, . Dumating pa sa punto na gusto ko nalang mwala sa mundo, Pero salamat sa pamilya ko, pastors at mga church members kasi they never give up on me! Now, masasabi kong masaya akong nagsisilbi sa Diyos with all i am! Na kahit anong mga kinakaharap kong problema, hinaharap ko ng matatag at matapang dahil may Diyos akong kinakapitan., At kung tau man ay ngkmali bastat Tayo ay buong pusong mgpakumbaba sa knya at humingi ng tawad tayo ay buong puso niyang tatanggapin! Never give up. Just keep watch and Guard our faith .. Salamat sa kntang ito ❤️

gemmapalig-ad
Автор

I was paralyzed in bed last year and I heard Jesus say out loud to me - If you believe in me get up and walk I got up and not only walked but went for a walk outside. Praise GOD IS ALWAYS WORKING!!!!

kadenWorship
Автор

"Sa mga panahon na wala kanang makapitan at malapitan, sa mga panahon na wala nang nandiyan para sayo. Lumapit kalang sa Kaniya, ang pagmamahal niya ay walang hanggan, Mahal ka ng Diyos at hindi na magbabago yun." GOD bless. Nakaka blessed itong kanto na ito. Salamat sa Lord.

callao
Автор

This song is perfect for our current situation. Truly the Lord is faithful in every seasons. He is the God that never changes. His love remains the same yesterday, today and forever. He shows the greatest love that no on could ever fathom.

If you are facing any situation in your life right now that is too difficult for you, maybe its the time for you to fully surrender it to the foot of the cross. And you will see how God can truly move in your life. Sadly, a lot of people only seek the hands of God- His blessings, His goodness and not His face.
Remember that the greatest blessing is the Blessor ( "God" )itself.


It is said "Seek first the kingdom of God and His righteousness, and all these things shall be added unto you"- Matthew 6:33

:)

Have a blessed day everyone!

Let me know how can I pray for you. :)

lorraineortiz
Автор

Simula ng makilala at maencounter ko sta maraming nbago s buhay ko, ngaun ko din napatunayan n s gitna ng kagipitan kasama ko sya khit walang wala ako bigla ako magkakaroin gumagamit ang panginoon ng ibang tao napakabuti nya talaga s buhay ko.Amen🙏🙏🙏

johnjohn
Автор

June 22 2024 🥺 babalikan ko itong comment nato kapag successful na kami nang pamilya ko 😇 and I claim it na matutupad namin nang asawa ko yan In Jesus Name! ☝️🙏
From : Kokong

boplax
Автор

Yung pag ibig mu ang sumagip sa tulad ko panginoon i comitted suicide because i feel empty para akong nalulunod sa gitna ng dagat tangap kona na mawala ako. Pero na alala ko yung pag ibig pano mu sinacrifice ang buhay mu para saamin. Pano ka namatay sa krus bigla kong na alala ang lahat ng yun. Na kung may mga taong walang nag mamahal sakin. May diyos papalang ipinaglaban ako dito sa mundong to at gusto ako makasama sa langit . Maraming maraming salamat panginoon i will served to you panginoon hangang sa huling hininga ko ilove you Jesus.♥️

kristineminoza
Автор

Tunay nga panginoong Diyos dakila ka sa lahat kaylan man hindi mo KAMI pinabayaan, sa kabila ng matinding pagsubok sa aming buhay. Maraming salamat po panginoong Diyos sa kagalingan ng aking anak sa kanyang Diprestion at anxiety.❤

renotipo
Автор

Whoever reading this, God never sends you into a situation alone, God goes before you, He stands beside you, He walks behind you. Whatever situation you have right now be confident. God is with you. Ameen

TagalogPraiseSongs
Автор

I accept Jesus Christ as my savior my redeemer my provider.

luckyperdizo
Автор

Ang hirap maging Isang anak ng panginoon, , ngunit masayang Masaya ako dahil Isa ako sa milyon milyong tao na pinili Niya.. Panginoon tulongan niyo lang po ako na makayanan ko ang lahat ng pagsubok sa Buhay🙏

aprilcanlom
Автор

Kahit Tayo man ay matinding karamdaman wag ka susuko bagkos tawanan MO lng datapwat Tayo nga ay may mga kasalanan tawag MO ito DIYOS at Para ka NG nasa Langit nun 👏Panginoon ko oh DIYOS KO
# respect El senior at El seniora
#mabuhay lahat NG melenial wag niyo Sana ikahiya ang mga magulang ninyo Kung anu ang kanila g estado oh Kung anu meron sila sapagkat sila ang nag dala sa atin mga propesyon natin Kung anu meron Tayo Ngayon at Kung anu narrating natin Ngayon bawasan natin ang mga online games ❤

FernanBorja-zc
Автор

I don't understand the language but I feel peace while listening May the Lord bless you Philippines...Philippine will remain to be the best country ever I wanna visit

laboh