It’s Showtime October 22, 2024 | Full Episode

preview_player
Показать описание
Through the years, countless memories na ang ating pinagsaluhan. Mula umpisa hanggang dulo, tayo ang magkakasalo. At ngayong 15 taon ang sine-celebrate natin, mas masaya ang jamming na may reminiscing. Balikan ang nakaraan with our iconic ‘hurados’ Dimples Romana, Gladys Reyes, at Nicole Cordoves.

“Hello, madlang people! Hello, ladies!” bati ni Nicole na ating na-miss! Sina Dimples at Gladys, dalawa lamang din sa mga OG hurados na minahal ng Madlang People! Marami man ang nagbago sa mga personal journey nila, pero hindi ang pagmamahal sa madla at kanilang ‘Showtime’ pamilya.

Makikanta sa ating mga bisita, with the ‘Showtime’ family! Plus, silipin ang naging paghahanda ng Team Kim Chiu-Ogie Alcasid-MC-Lassy para sa “Magpasikat 2024.” Bakit si Divine Tetay ang masyadong na-stress? Ano ba ang role niya sa performance nina Kim, Ogie, at sa dalawa n’yang bes?

Kumusta ka? Kaya pa ba? 'Yung totoo?

‘Yan ang tanong nina Kim, Ogie, MC, at Lassy sa kanilang “Magpasikat 2024” performance, na hango sa mga pain and internal struggle nila sa buhay. Dahil sa kabila ng mga ngiti at pagpapasaya ng iba, mga tao rin sila na deserve ang kumalma at huminga. Check on your friends and family. Okay pa ba sila? Ikaw, okay pa ba?

Pero hindi lang saksak-pusong drama ang hatid ng grupo. Makapigil-hininga ang mga eksena–mula sa pagtugtog ni Ogie ng piano sa isang revolving platform sa tuktok, aerial dance ni MC at Lassy at level-up trapeze act ni Kim!

May special participation din via VTR ang loved ones nilang apat, kabilang na ang anak ni Ogie na si Nate at ang Ate Lakam ni Kim. Spotted din sa studio ang wifey ni Ogie, na si Regine Velasquez.

Pati mga hurado, kabado! Napadasal na lang si hurado Donny Pangilinan habang lumalambitin si Kim sa ere! Pero dagdag niya, sobrang affecting ng napiling tema, na ang salitang ‘kumusta ka’ ay simple man pakinggan pero malalim ang kahulugan.

“Ang dami kong emosyon na naramdaman,” sabi ni hurado Gabbi Garcia, na nakita ang ‘self-love’ sa mensahe ng grupo. Naramdaman naman ni hurado Alice Dixson ang puso nina Ogie, Kim, MC at Lassy bilang performer, at hinangaan ang out-of-the-box solo acts nila.

Ayon naman kay hurado Freddie “FMG” Garcia, ipinakita ng grupo ang ibig sabihin ng ‘the show must go on;’ na sa mundo ng showbiz, tuloy-tuloy lang ang pagpapasaya sa harap ng camera anuman ang pinagdadaanan ng isang artista.

‘Finding your next chapter’ naman ang binigyang-diin ni Direk Rory Quintos sa kan’yang komento dahil sa tulad nina Ogie, Kim, MC at Lassy na nakakaramdam ng fear at insecurities bilang entertainers.

Ano’ng score ang deserve ng Tuesday group, Madlang People?

Sa gitna ng ating “Kinseyyy” anniversary celebration, tuloy-tuloy pa rin ang laban ng mga pangarap sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Concert-like performance ba ang hanap n’yo? Sagot na ‘yan ni Holy Angel University student Gravity Baruelo na kumanta ng “Lady Marmalade” sa entablado. Nag-enjoy si hurado Darren Espanto sa fun and fearless showcase ni Gravity, at humanga naman si hurado Zsa Zsa Padilla sa rap skills n’ya.

Pero hindi nagpadaig ang pambato ng Agoncillo College Incorporated, si Arvin Dano, na hinarana ang madlang people sa awiting “Handog.” Komento ni hurado Klarisse de Guzman, simple pero mapuso ang areglo ng pag-awit ni Arvin, dahilan para siya ang tanghalin na daily winner!

#ItsShowtime
#Magpasikat2024OgieKimMCLassy
#ShowtimeMagpasikat2024
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Grabe ilang buses ko na ito pini play hinde nakakasawang panoorin super ganda ng performance ng team ogie, kim mc and classy ilang buses ko man pini play ganon din ang Luto ng luha ko congratulations sa team nyo for the win❤❤❤

jocelyndimajiva
Автор

Doni really shows he’s smart, for his age, he can say what I really wanna say. I mean while watching this I know what I like but I don’t know how to say it in words and Doni said it perfectly! Kudos to Doni!!!❤

raqueldelapena
Автор

Kim delivered the performance of her lifetime. Amazing grueling, I couldn't find the words to described her. I was at the edge of my seat and she myself praying that I didn't even notice. Kimmy you are one of the kind, love yourself and do not be scared to fall in love again. Thank you team tuesday. Amazing performance.

virginiai
Автор

Grabe nakakarelate.. Para ito sa mga OFW na tlagang di na nagpapahinga para lang sa Pamilya.. kudos team kim ogie mc and lasie ❤🎉

burogersburogers
Автор

WOW ang galing ng team na ‘to! 💙 I especially love Ogie’s prod super heartfelt.. Si Lassy & MC din you can absolutely feel the emotions sa message nila. Finally naman si KIMMY buwis buhay perfomance graveee sila! 😍🔥

peachkylie
Автор

Amazing performance of the team! nakakaiyak, relatable, and very inspiring. Watching from Canada❤❤❤

divinaflores
Автор

Grabe yung iyak ko sa buss. Very touching message lalo na sa mga tao na kumakayod at nakakalimutan magpahinga at alagaan ang sarili. ♥️

EnJoy-htex
Автор

winner na ito 101 score team kim, ogie, lacie,mc luv it ...life story maka iyak

MarangaAyan
Автор

Napaluha ako sa “kumusta kana? Kaya pa ba?” Ang ganda ng konsepto nila na everyone can relate. Lahat tayo napapagod pero kaylangan din natin huminga at kumalma para sa mga mahal natin sa buhay.. super ganda ng mga buhis buhay moves nyo guys.🎉

JessanGloria-dgnh
Автор

Grabe ang iyak ko habang nanonood sobrang lakas ng message . Love it❤❤❤ congratulations.

miechristine
Автор

iba la tlga anak Kimmy my idol second time q na pinanuod too kanina sa live at dito natulo pa din aq luha ko Ramdam na Ramdam ang mga minsahi ng gosto ninyong ipaabot as lahat, tigil, hinga, kalma❤❤OFW watching from hongkong .

gaybarrozo
Автор

THE BEST SO FAR! iba ang hatak nung emosyon. Iba yung performance na buong buo. Galing sa puso

wisdomteller
Автор

Buwis buhay lagi yan pag c Kim!! i also love Donny's comment- its so full of wisdom and critical thinking ☝

JonG
Автор

Eto Ang inaabangan ko yearly. Mga performance ng mga showtime hosts. Ang gagaling din ng mga judges Nila ngayon. Happy 15th Anniversary Showtime❤ salamat sa entertainment everyday. Di kumpleto araw ko pag di ako makanood ng showtime. Ksama n sa daily routine ko ang manood ng showtime. Tanggal lungkot s mga kulitan nila

gianna
Автор

Can I just say, ang galing ng sets of Hurado ngayon! sobrang galing sa details ng performance

jay
Автор

Galing niyo ! I have been following It's showtime and this second day of magpasikat ! Wow i'm impress. Watching from USA.

joycetonga
Автор

Grabe iyak ko sa performance ng team Kim, Ogie, MC and Lacy. I felt that and needed the message.

azilmae
Автор

Napakagaling po napaiyak ako dito may nasaling sa puso ko tigil hinga kalma❤

perlitasanchez
Автор

Nakarelate ako sobra! Kuhang kuha nyo yung pagod ko sa buhay. GRABE! ang GANDA NG MESSAGE from Start to End. Ang LUPIT MO TALAGA KIM, muntik nako mapaMura! 😂grabe ka! Intense! Galing nyong LAHAT❤

emdretv
Автор

Kinseeeyyyy… grabe 2nd day pa lang busog na busog na sa entertainment. Kudos showtime! The best talaga! 💯
yong message sa bawat performance tagos! 💯👍 salamat showtime sa 15yrs na pagpapasaya at patuloy na lumalaban kahit na napakadaming bashers na wala namang ambag na mabuti sa mundo. Laban lang madaming naniniwala at nagmamahal sa showtime ✅❤️

LunaZephyr