Aking Pahinga - Dro Perez ft. I-ghie (Official Lyric Video)

preview_player
Показать описание
Aking Pahinga - Dro Perez ft. I-ghie (Official Lyric Video)

Stream it on all platforms here:

Performed & Written by Dro Perez & I-ghie
Lyric Video by Alleighna Divine

Dro Perez

I-ghie

[Lyrics]
Tanging ikaw lang, walang ibang mamahalin
Makaka-asang hiling mo'y aking didinggin
Gagawin ko ang lahat para sa'yo
'Di susukuan kahit pa maging magulo

Ipaglalaban ka, Aalayan ka din nang kanta
Kasama mo hanggang sa pagtanda
Hawak kamay nating lalagpasan ang lahat

Sa mundong nakakapagod
Oh, Ikaw ang aking pahinga
Gumagaan ang lahat, kapag nasisilayan kana
Kaya 'wag nang mangamba
Walang dapat ipag-alala
Palaging nandito lang ako sa'yong tabi
Dito sa'yong tabi

Labis na ako'y nagagalak
Hinding-hindi ako magbabalak
Na iwanan ka kahit ano man ang balakid sa atin
Dinadalangin na ang pag-ibig mo at ang pag-ibig ko'y
Iisa hanggang huli
'Di na masasaktang muli
Tanging ikaw
Palaging ikaw

Sa mundong nakakapagod
Oh, Ikaw ang aking pahinga
Gumagaan ang lahat, kapag nasisilayan kana
Kaya 'wag nang mangamba
Walang dapat ipag-alala
Palaging nandito lang ako sa'yong tabi
Dito sa'yong tabi

Aking mahal ang iyong pangako'y didinggin
Hawak kamay natin itong tutuparin
'Di susukuan, kahit ano mang tampuhan
Panghahawakan nating pagmamahalan
Dinadalangin kong tayo hanggang sa walang hanggan

Sa mundong nakakapagod
Oh, Ikaw ang aking pahinga
Gumagaan ang lahat, kapag nasisilayan kana
Kaya 'wag nang mangamba
Walang dapat ipag-alala
Palaging nandito lang ako sa'yong tabi
Dito sa'yong tabi

Sa mundong nakakapagod
Oh, Ikaw ang aking pahinga
Gumagaan ang lahat, kapag nasisilayan kana
Kaya 'wag nang mangamba
Walang dapat ipag-alala
Palaging nandito lang ako sa'yong tabi
Dito sa'yong tabi

Palaging nandito lang ako sa'yong tabi
Dito sa'yong tabi

© 2021 Pieces Music. Dro Perez. All Rights Reserved.

#akingpahinga #pahinga #tiktok
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Kung nagustuhan mo to, may bago ako sigurado magugustuhan mo rin 👇🏻👇🏻👇🏻

droperez
Автор

This song is for my boy bestfriend na naging boyfriend ko. Nakilala ko sya way back 2015, magkaklase kami and dati palang may gusto na ko sa kanya pero never akong umamin. Nung 2019 bigla syang umamin, nagulat ako kasi I never thought na may gusto rin pala sya sakin🥲 it feels so magical. Ngayon, nagiipon na kami ng pangkasal for next yr. ❤

rhiaconcepcion
Автор

I dedicated this song to my son. First time ko palang narinig to, sya agad naalala ko. Kahit gaano nakakapagod ang mundo isang tingin ko lang sa kanya napapawi lahat. I love you anak! araw araw ikaw ang pahinga ni mommy. 😘❤️

sarahmaemabiogofficial
Автор

eto yung kanta na di lang sa Bf/Gf or Asawa pwedeng idedicate .

Pwede sya idedicate sa Parents or Anak nyo kaya gustong gusto kong pinapakinggan tong kanta pag napapagod na ko mag-alaga lalo na may Autism sya di sya madaling intindihin pero lahat kakayanin para sakanya ❤

AusomeJR
Автор

mga anak ko ang aking pahinga, sa stress at saket na meron ako 🥺🥺😊.. alam ko may better plan si lord 😊 sa ngayon ayoko na muna pumasok sa kahit anong commitment, ok nko sa mga anak ko 😊😊🥰 pero kung dumating man yung time na maranasan kong makasal, eto gusto kong maging song sa Kasal ko

diosybraga
Автор

Nakakaiyak kasi kahit papano pag nakakasama at nakikita ko siya pakiramdam ko nawawala lahat ng problema ko at mga pangamba ko. Literal na siya lang pahinga ko sa nakakapagod na mundo😭❤️ Diko alam pano nya nagagawa yon pero isa lang alam ko, siya na habang buhay. We're being in a relationship for 5 years and 2 months and he never fails to put a smile on my face and I'm falling for him even more. Nakakalungkot kasi we have to go through this long distance relationship at bihira magkita pero still siya pa rin ang aking greatest pahinga as always. Thank you for this song, I appreciate him and continue to love him even more. 💖

Lorena-vzuo
Автор

Yung napagod ka na magmahal pero sa kantang ito, sarap sumugal magmahal

carelynTribiana-jqhd
Автор

THIS SONG IS SO UNDERRATED 🥺 Sobrang ganda parang ang sarap umibig ulit. 🥺❤

laickadionglay
Автор

Sa dati Kong naging pahinga AU salamat sa panandaliang iyon. Naging masaya ako sa 1 buwan na Yun. You always deserve better, salamat at paalam.

hikarulantis
Автор

Simula narinig ko to sa fb. Araw araw more than 10x a day ko pakinggan or more😅 broken hearted ako pero sobra kong pinakalma ng kantang to.

catherinemariano
Автор

Unang narinig ko to sa ka work ko, and 1month na kong d nauuwi ng bahay dahil sa work. And fck! Anak ko agad pumasok pagkarinig ko, lalo nung nag chorus. Ang sarap sa tenga pero ang bigat sa dibdib kasi namimiss ko anak ko. More songs like this. Na kahit kanino pwede mong iaalay. Kaibigan, magulang, anak, asawa, etc.

markusjinretiro
Автор

Buong araw kong pinatugtog. Mapa kotse, office. Hanggang pag tulog ko feeling ko inlove ako 😂🥰. Nice song broo

arvincerda
Автор

To have someone to be our pahinga after a long day at work is very nakaka 🥰
Glad to have my son as my pahinga.💞

vanessajaydonato
Автор

Sa tuwing malungkot ung araw ko, kapag pinapakinggan ko to parang feeling ko na re-refresh ako ulit. Sobrang gaan sa pakiramdam💚💚

jannicasanga
Автор

Wedding song ko Papakasalan na lang wala. CHARRRR napaka sarap pakinggan. 🥹❤️‍🔥

NixieDust.
Автор

Last year, 13k views lang to. Ngayon halos half a million. So proud of you dro. Wish na lang kulang! ❤️

zeelopez
Автор

This song for may bbf nakaklasii ko grade 4 pero now nagig kami na heheheh

Gilberttorino
Автор

It felt nice this way. Appreciating this song without thinking about anyone specific to relate to.
There's no way I could get bored with this. 💛

Elleconel_
Автор

Ginatekeep ko to since last year for me and my boyfriend tapos nauso na ngayon. Di ko na maso-solo ang kantang to but well deserved! ❤

marygabriellepanis
Автор

Sana makatagpo ako ng isang babaeng naiintindihan ako, tanggap ako nang buong-buo, hindi ako kinakahiya, hindi ako iiwan kahit anomang mangyari, at ipaglalaban ako sa huli. Hindi sumusuko sa akin at makakapagpasaya sa akin. <3 God knows sino iyon. Kung sino ka man, sana iingatan ka ng Panginoon at di ka pababayaan hanggang magkakakilala tayo in God's Perfect Time, my future girl. <3

kingdaniel
join shbcf.ru