Malayo Ka Man - Jr Crown, Kath, Cyclone & Young Weezy

preview_player
Показать описание
#lyrics
#music

🎸Best and recommended guitar for musicians:

🎵 Follow the official Light Music playlist on Spotify here👇

♥️ Follow our Spotify playlists:

⏬ Free HD Background Wallpapers:

📒 Civil Service Reviewer with Let Reviewer for 2024:

"Malayo Ka Man"
Jr Crown, Kath, Cyclone & Young Weezy

Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan
'Di magbabago, pag-ibig ko'y sa 'yo lamang
Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa
'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man

Mahal, kamusta ka na?
Mag-iingat ka palagi, 'wag kang mag-alala
'Di man kita makasama ngayon pero hindi 'yun rason
Para ako ay maghanap pa ng iba
Sapagkat ako'y kuntento na, sa'yong-sa'yo lang ako
Ikaw ang kukumpleto sa mundo ko at bumuo
Kaya wala ng dahilan para ako'y magloko pa
Sa babaeng na naging kabiyak na ng buhay ko kaya

Magtiwala ka lang, lagi mong tatandaan
Walang pagitan ang maari sa ating makahadlang
Kahit malayo ka man, makakaasang
Hanggang dulo, 'di ka papalitan

Kaya mahal, magtiwala ka lang
'Di magbabago, pag-ibig ko'y sayo lang kahit malayo ka man

Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan
'Di magbabago, pag-ibig ko'y sa 'yo lamang
Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa
'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man

Dalawang puso ang pinana subalit pinaglayo
Baka upang pagtibayin nang hindi na mabigo
Hawak-kamay na kinapitan ang pangakong binuo
Na kailanma'y 'di papatinag sa tuksong mapangbuyo
Mapaglaro si Bathala, susubukin ang tatag
Makasiguro lang na tayong dalawa ay tinadhana
Kakayanin ang lahat, mapatunayan lang
Pagmamahal ko lagi sa 'yo ay tapat

Malayo man ating pagitan sa ngayon, 'wag umiyak
Sapagkat magkakayakap pang muli, 'yan ang tiyak
Palagi kang inaalala sa'n man dalhin ng yapak
Ng aking mga paa, mananatili ang galak
Ang galak na muli kang mahagkan at halikan
Magkasamang susulitin ang kabilugan ng buwan
Sa aking pagbabalik, sabay nating dudugtungan
Ang ating kuwento ng pag-ibig na ating sinimulan

Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan
'Di magbabago, pag-ibig ko'y sa 'yo lamang
Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa
'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man

Mga araw at gabi na hindi kita katabi
Nakakapanibago, 'di alam kung pa'no
Pa'no ko makakayanan na hindi kita kasama
Ang distansiya natin ay napakalayo
Pa'no 'ko makakadayo?
Kung pagitan natin, libo-libo na espasyo
Matagal pa nga siguro na luminaw ang malabo
Na ikaw ay makasama kahit nasa kabila ka mang ibayo

Pero kahit na gano'n pa man
Pakatandaan palagi na andito lang ako
Sa'yo, nag-aantay, nakaabang
Sa muli mong pagbalik kahit malayo man ating pagitan
Ang bukod tangi kong ipapabaon sa iyo
Tiwala at lubos ko na pagmamahal
Libo mang kilometro agwat sa isa't-isa
Sa aking puso ay mananatili pa ring espesyal

Malayo ka man, mahal, lagi mo tandaan
'Di magbabago, pag-ibig ko'y sa 'yo lamang
Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa
'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man

Kahit malayo ka man, 'di magbabago
Sa'yong-sa'yo lang ang pag-ibig ko, 'di maglalaho
Kaya 'wag kang mangamba at 'wag kang mag-alala
'Di ko babaliin ang sumpaan nating dalawa
Maghihintay ako na muling makasama ka

Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan
'Di magbabago, pag-ibig ko'y sa 'yo lamang
Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa
'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man

Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan
'Di magbabago, pag-ibig ko'y sa 'yo lamang
Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa
'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

2025 whose here?
One of my favorite Soundtrack ❤

KenOnes-xy
Автор

2025 na favorite ko parin ang song na ito this is the best

abegaillacno
Автор

Di nakaka sawa pakingan tung kantang to kahit paulit2 may na miss tuloy ako😊

ronreysalazar
Автор

Thanks for this song. I'm spanish but I like it alot and the singer is so beautiful.

HeavensSword
Автор

True tiwala Lang pag LDR Same din kami

JunalynPAT
Автор

Grabi 2024napala parang kaylan lng tong song nato e❤

JeeSeguerra-mj
Автор

Dedicated daw yung song para sa akin pero parang paborito din ata ng ex niya tong kantang to. Kagaling 👏🏻👏🏻👏🏻

SETHified
Автор

Merun pa walang katapusan yan💖dahil tunay at totoo yan at sure na sure yan ❤❤❤Basta ikaw🎉

VirgieTan-gkmh
Автор

Nagtataka ako before bakit i am drawn to this song. Yun pala makakapag asawa ako seaman. Hahahhaha

jessaragasa
Автор

Ansarap bumalik sa nakaraang pandemic lahat ng memories bumabalik

marklouielopez
Автор

gawa kayo MV tungkol sa seaman at mahal nya na nasapinas❤

omegamsi-tf
Автор

ngayon ko lang ulit narinig may kilig parin talaga😭😭😭

KeighleyVienValencia
Автор

Pandemic song kakamiss Yun ganyn kanta😢

queenierosebenavidez
Автор

Bisan Wala sya saakong tapad, syalang akung gustu, ♥️pakasalan

MontaRene
Автор

❤❤❤i miss you babe i love you so much 🥰🙏🏻💖

VirgieTan-gkmh
Автор

First heard this song when i was in highschool been my fav since then ❤️

MeaPaulino
welcome to shbcf.ru