Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 17 Sep 2024 7a.m.

preview_player
Показать описание
Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins
Martes ng Ika-24 na Linggo sa KARANIWANG PANAHON. September 17, 2024
Paggunita kay San Roberto Belarmino, obispo at pantas ng Simbahan
Paggunita kay Santa Hildegarda ng Bingen, birhen at pantas ng Simbahan

UNANG PAGBASA
1 Corinto 12, 12-14. 27-31a

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, sapagkat si Kristo’y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi; bagamat binubuo ng iba’t ibang bahagi, iisa pa ring katawan. Tayong lahat, maging Judio o Griego, alipin man o malaya, ay bininyagan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.

Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at hindi ng isang bahagi lamang.

Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Kristo at bawat isa’y bahagi nito. Naglagay ang Diyos sa Simbahan, una, ng mga apostol; ikalawa, ng mga propeta; at ikatlo, ng mga guro. Naglagay rin siya ng mga gagawa ng mga kababalaghan, mga magpapagaling ng mga maysakit, mga tagatulong, mga tagapangasiwa, at mga magsasalita sa iba’t ibang wika. Hindi lahat ay apostol, propeta, o guro; hindi lahat ay binigyan ng kakayahang gumawa ng mga kababalaghan, magpagaling ng mga maysakit, magsalita sa iba’t ibang wika o magpaliwanag nito. Kaya’t buong taimtim ninyong nasain ang mga kaloob na lalong dakila.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 99, 2. 3. 4. 5

Lahat tayo’y kanyang bayan,
kabilang sa kanyang kawan.

Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa!
Panginoo’y papurihan, paglingkuran siyang kusa;
lumapit sa harap niya at umawit na may tuwa!

Lahat tayo’y kanyang bayan,
kabilang sa kanyang kawan.

Ang Panginoo’y ating Diyos! Ito’y dapat malaman,
tayo’y kanya, kanyang lahat, tayong lahat na nilalang;
lahat tayo’y bayan niya, kabilang sa kanyang kawan.

Lahat tayo’y kanyang bayan,
kabilang sa kanyang kawan.

Pumasok ka sa kanyang templo na ang puso’y nagdiriwang,
umaawit nagpupuri sa loob ng dakong banal,
purihin ang ngalan niya at siya’y pasalamatan!

Lahat tayo’y kanyang bayan,
kabilang sa kanyang kawan.

Mabuti ang Panginoon, pag-ibig niya’y walang hanggan,
siya’y Diyos na mabuti’t laging tapat kailanman.

Lahat tayo’y kanyang bayan,
kabilang sa kanyang kawan.

ALELUYA
Lucas 7, 16

Aleluya! Aleluya!
Narito at dumating na
isang dakilang propeta,
sugo ng D’yos sa bayan n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 7, 11-17

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, pumunta si Hesus sa isang bayang tinatawag na Nain. Sumama sa kanya ang kanyang mga alagad at ang napakaraming tao. Nang malapit na siya sa pintuan ng bayan, nasalubong niya ang libing ng kaisa-isang anak na lalaki ng isang babaing balo. Marami ang nakikipaglibing. Nahabag ang Panginoon nang makita ang ina ng namatay, at sinabi sa kanya, “Huwag kang tumangis.” Lumapit siya at hinipo ang kinalalagyan ng patay at tumigil naman ang mga may dala nito. Sinabi niya, “Binata, bumangon ka!” Naupo ito at nagsalita; at siya’y ibinigay ni Hesus sa kanyang ina. Sinidlan ng takot ang lahat at sila’y nagpuri sa Diyos. Sabi nila, “Dumating sa atin ang isang dakilang propeta! Nilingap ng Diyos ang kanyang bayan!” At kumalat sa buong Judea at sa palibot na lupain ang balitang ito tungkol sa kanya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
#onlinemass #livestreammass #padrepiomass
Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL)
Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

St PADRE Pio walang hanggang pasasalamat sa mga pagpapala biyaya at walang sawang pagmamahal at sa aming lahat at maawa at tulungan mo po Pdre Pio SI KEN clear medical niya at hipuin mo ang kumpnya, na ilagy siya s OILER at mabait ung maging opisyl nya PO at sa ky nicol PO keep safe and healthy sina Ken Nicol Berber at kaming magkakapatid po SALAMAT Amen🙏🙏

RabMat-oy
Автор

St PADRE Pio... Have MERCY PO tulungan mo ako ky Ken Nicol Berber at lahat kung kapatid pagkalooban mo kami ng mahabang malulusog na katawan iiwas sa anung sakit iligtas s kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan AMEN 🙏🙏♥️♥️

RabMat-oy
Автор

Mahal naming St Padre PIO muli yakapin po ninyo kami ng inyong mapagpalang panalangin at pagmamahal tungo sa aming kagalingan, kalakasan, kaligtasan, kapanatagan, ng aming katawan, puso, isipan, at kaluluwa, ipamagitan po ninyo kami sa ating Panginoong Hesukristo Our Divine Healer and Physician salamat po Mahal naming St Padre PIO muli sa pangalan ni Jesus amen po amen 🙏❤️🙏

rosanaromasoc
Автор

Panginoong Diyos. Maraming salamat po sa isang panibagong buhay at kalakasan ipinagkaloob mo sa amin. Gabayan mo po kami sa lahat ng aming gawain at huwag mo kaming hayaang mawalay sa iyong pananampalataya. Patawad po sa lahat ng aming pagkakasala at pagkukulang. Itinataas ko po sa inyo ang lahat ng aking kahilingan na kayo po ang nakakaalam. Maraming salamat po. Papuri sa iyo Ama, sa iyong Anak Hesu Kristo, Espiritu Santo, Inang Maria at sa lahat ng iyong Arkanghel. Amen Amen 🤲🙏❤

TeresitaBetito-iy
Автор

Saint Padre Pio Thank You For Everything You Given To Us, Please Pray For Us My Children My Grandchildren Protect Guide All Of Us, Forgive Our Sins We Commit Amen 🙏 Please Pray For My Son To Rebuild His Self And Family, Guide Protect Keep Him Safety, Padre Pio Please Help Me To My Children My Family To Be Together Again, Padre Pio Please Hear My Prayers And My Intention Amen 🙏 Padre Pio Please Bless All Of Us Amen 🙏

elisagravador
Автор

St PADRE Pio... Please tulungan mo si Berber ipagkaloob mo ung paraan na gumaling ang siko niya para bumalik sa normal po maawa ka po PADRE PIO tulungan mo siya AMEN 🙏🙏🙏🙏♥️♥️♥️♥️

RabMat-oy
Автор

Thanks be to God, salamat panginoon sa lahat ng biyaya binigay mo sa akin, kasama ng aking mga anak at apo..keep them safe from harm always, in good Faith with our Lord Jesus, i ask, & Pray Amen❤🙏✋️😊🤗❤️🩷💜

leilapena
Автор

Saint Padre Pio Please Pray For Me And Help Me To Heal My Whole Body, Touch Me With Your Hailing Hands Amen 🙏 Please Help My Son In Law To His Sickness Amen 🙏 Please Pray And Heal My Brothers Sister To There Sickness, Please Pray And Heal Baby Faith And Gigi Nowen And Nene, Please Help My Friend And Ray To There Eyes, Lord Please Heal All Of Us Amen 🙏

elisagravador
Автор

Walang hanggang pasasalamat po panginoon bless mopo kmi lahat ..ikw po ang manguna sa aming buhay

AdoniJahmayAlvarado
Автор

Saint Padre Pio Please Guide My Daughter Amen 🙏 Enlighten Her Heart And Mind, Erase All Hatered And Her Mind And Heart, Thank You Mama Mary Please Heal Her Amen 🙏 Please Help Me Back My Daughter To Us, Padre Pio Please Guide Me Give Strength And Hope Amen 🙏

elisagravador
Автор

Lord thank you for everything st Pio pls heal us emotional physical financial pls help me to surpass my trials Amen 🙏🙏🙏💕❤️❤️

mjbulan
Автор

Inaalay ko po ang misang ito para po sa aking pumanaw na mga mahal na magulang na sina Juanito at Luningning Rosali, Ricardo Rosali, Juliet del Mundo at Fering Rosali at sa lahat ng mga pumanaw amen

minnierosali
Автор

St Padre Pio, kagalingan at kalakasan ang hiling ko sa aking apo na si Jodie Angela tuluya ng gumaling Amen 🙏

angelitafontamillas
Автор

Lord Jesus Christ, Padre Pio, You Are My Light, My Strength, My Hope, And My Salvation, Please Help Me And My Daughter Amen 🙏

elisagravador
Автор

Thank you Padre Pio for all the answered prayer. Praying also for good health for me & my family. Amen🙏🙏🙏

julietsunga
Автор

I offer this mass for the healing uf my husband Rolando Sr his stroke astma heart. My son Rolando Jr his depression my daughter joy n her ne2ly born bb my self stroke gallstones osteoatriates n continue protection Lord amen

julianatano
Автор

Saint Padre Pio Be Centre Of Our Life Amen 🙏 Thank You For The Gift Of Our Life Amen 🙏

elisagravador
Автор

father Pio Haplusin mo pong lahat ang aming mga karamdaman Amen🙏🙏🙏

mochigirl
Автор

Salamat po Panginoon Hesus at St Padre Pio, sa lahat ng biyaya at pabay at pagmamahal na ipinagkaloob mo sa amin ilayu sa tukso at masama kay po ang manatili sa aming pusu at isipan kayu po ang aming sandigan Amen 🙏 ❤

angelitafontamillas
Автор

Sto. Padre Pio please help Dr. LARSON JACKSON to full fast recovery of his surgery. Please heal all his illness. Guve him strenght and energy bless and give graces. In jesus name. Amen

angelespenas