'IPAPASARA KO ITO' MMDA Non-Stop Clearing Operation.

preview_player
Показать описание
Citizens' Complaint Hotline

Ang pagmamaneho ay hindi karapatan, ito ay pribilehiyo lamang kaya pag nagkaroon ng traffic violation ay meron Itong multa sa driver or sa may ari ng sasakyan, pwede rin itong ma-suspende or ma revoke ang drivers license or ma impound ang sasakyan.

Ang lisensya ay valid for 5 years from date of birth ng driver unless sooner revoke or ma suspende. Sa loob ng 5 years na walang violation ang driver, at pag renew nito ay bibigyan na ito ng lisensya na valid for 10 years.

Metro traffic code of 2023 ay nagsimula noong May 02, 2023 para magkaroon ng pare-pareho at pinagkaisang pagpapatupad ng traffic rules and regulation sa Metro Manila.

Single Ticketing System - Pagkakaisa ng mga pinaiiral na batas trapiko at pamamahala ng trapiko sa Metro Manila.
- Pare-parehong multa ng karaniwang malalabag sa batas trapiko.

Karaniwan (Frequently Violated Traffic Rules)
- Standard na multa ng karaniwang nalalabag na batas trapiko.
- Interconnectivity ng sistema ng ahensya ng pamahalaan na namamahala sa transportasyon at trapiko.

Interconnectivity - Ang data sa LTO/LTFRB
( Registered drivers with licenses registered motor vehicle / Owner's name / Plate number ) ay alam ng mga ahensya, MMDA/LGU'S at pwedeng ipaalarma mga hindi magbabayad ng traffic violation.

Uniform Ordinance Violence Receipt (VOVR) ang tawag sa ticket na ini issue ng MMDA/LGU'S deputized agent.
- Lahat ng traffic enforcers ng LGU's ay isasailalim ng pagsasanay ng MMDA para ma deputized. Ang Ordinance Violation Receipt (OVR) na ginagamit ng ilang local enforcers ay pwedeng gamitin hanggang December 2024.
- Klase ng ticket (VOVR)
a. VOVR Ticket na me logo ng MMDA/LTO at Metro Manila LGU's
b. Handheld Device:
- Nakakapag print ng ticket
- Nakakapag validate at authenticate ng drivers license(verify) at vehicle registration.
- Makikita kung meron demerit points na ang driver or ang sasakyan ay suspendido, kanselado or merong alarma.
- Makakabayad online.
- Kapag tumanging magbigay ng lisensya ang driver, maaring ituring na violation-driving without license at the time of apprehension.
- Kapag tumanging pumirma, valid parin ang ticket at lalagyan ng note na "Refused to sign"
- Pwedeng e contest or ereklamo ang pagkakahuli sa loob ng 10 araw.
- Bayaran ang ticket sa loob ng 10 araw sa SM Bayad Center at Landbank portal.

Saan Bawal Pumarada:
1. Intersection
2. Daanan tawiran ng tao
3. Six meters ng intersection na meron kurbada. Ang first lane na merong kurbada at walang nakalagay na "No right turn on red signal" ay likuan ng mga kakanan na sasayan, kahit na ang ilaw ng traffic light ay pula, gawain ng may pag-iingat
4. Four meters driveway ng Fire station, Hospital at Police station.
5. Tapat ng private na garahe.
6. Sa daan na pwede ang one side parking, bawal ang double park.
7. Sidewalk, daanan ng tao or lahat na hindi pwedeng paradahan.
8. Lahat ng lugar na meron traffic sign.

Dalawang Klase ng Illegal Parking:
1. Attended - Meron driver pero nasa bawal na lugar pumarada, titikitan ang driver at papaalisen ang sasakyan. Penalty Php 1,000.00
2. Unattended - Walang driver, iniwan or pinarada ang sasakyan sa bawal na lugar. Penalty Php 2,000.00 subject for towing.

Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) ang tawag sa nakasanayan na number coding, binabawasan ang tumatakbong sasakyan sa isang araw.
AM - 7:00-10:00 AM
(Window hours)
PM 5:00-8:00 PM
Penalty: Php 500.00

Exempted from UVVRP
1. PUV - Public Utility Vehicle including tricycle.
2. Motorcycles
3. Garbage Trucks
4. Marked government vehicles
5. Fire Trucks
6. Ambulance
7. Marked media vehicles ( Registered in media company)

Dress Code for Riders and Passengers:
Ito ang violation na binibigay sa drivers dahil sya or ang kanyang ankas ay hindi nakasapatos.
- First offense Php 500.00
- Second offense Php 750.00
- Third offense Php 1,000.00

Ang obstruction ay hinaharangan ng sasakyan ( Nakatigil or Nakaparada) ang daanan ng ibang sasakyan.

Walang violation na "Counterflow" ang ginagawa ng driver ay illegal counterflow or unauthorized counterflow

RA 870 - Seatbelt Act of 1999
RA 11229 - Child Safety in Motorcycle Act
RA 10054 - Mandatory use of Motorcycle Helmet
RA 10666 - Children's Safety in Motorcycle Act
RA 10913 - Anti Distracted Driving Act

Stalled Vehicle - Wala ng kakayahan na umandar ang sasakyan
Example: Flat Tire, Naubusan ng gasolina, kumatok ang makina etc.

MMDA Regulation 23-002
Pinataas na multa sa mag violate sa Edsa Bus Lane:
First offense Php 5,000.00
Second offense Php 10,000.00 + 1 month suspension of DL
Third offense Php 20,000.00 + 1 year suspension of DL
Fouth offense Php 30,000.00 + Recommendation of DL
Pag tinakbuhan or hinabol ang nag violate ng Edsa bus lane, ang penalty ay katumbas ng 3rd Offense.
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Para kay ate na nagsasabi na hindi sila consistent. First of all, consistency is not the issue here, the issue here is the discipline of people. Bakit kung sino pa ang mali sila pa may gana na sisihin ang MMDA dahil hindi sila nag-ooperate araw-araw on that specific area. Nakakadismaya lang.

Yeshua
Автор

Grabe ang Pasig ah. May pinadala pang mga sasakyan. Full support sa operation ng MMDA. Iba talaga si Mayor Vico.

riocri
Автор

Ate englishera, hindi po sila inconsistent. The fact na driver ka alam mo dpat ang bawal sa hindi. At hindi nila need bantayan ka araw araw jan pra pagsabihan na bawal. As drivers we need to b responsible sa mga ssakyan natin at sa pagpapark natin. Batas is batas. Salute Sir Gab and to all MMDA. Sana sa Litex din po kanto ng jollibee ginagawang tambayan ng mga bus, jeep puv ang kanto..kya pag rush hr po nagttraffic.

mariaalexandradigno-mcyz
Автор

magaling talaga ang pasig, full support ang lgu oag may operations ang mmda, at ang mga tao ay di nakikipag away pag kinikumpiska ang mga gamit, di gaya sa manila na mali na nga nakikipag away pa

Oragonpadi
Автор

Ganyan ang Pinoy pag huli...mandamay na... ampalaya si Ate.

analystexpert
Автор

Gusto consistent daanan ng MMDA yan, matuto kasi kayo once naclearing na wag na kayo magparada, laki laki ng metro manila para araw arawin ng MMDA yan lugar nio, taasan pa lalo fine para sobrang madala

justenough
Автор

Good job sir gab and team. Hindi naman sila inconsistent dapat tao mismo alam ang tama at mali. At obligasyo yan ng local government to maintain orderlines.

simonghostriley
Автор

: I love how the Pasig LGU is in full support. Hopefully other Metro Manila LGUs do the same

HanzelGapayao
Автор

Iba talaga sa Pasig, Mayor Vico Sotto. Sana ito na presidente ng Pilipinas soon... 💯

ruilotz
Автор

Dapat after clearing ng MMDA, may follow up clearing din ang barangay wag iasa lage sa MMDA. Kaya di nadadala ang mga tao eh, kaka clearing lng ngayon mamaya magkakalat na naman. Di matatapos yung trabaho ng MMDA eh, tas sasabihan pang inconsistent 🫠 Galaw2 LGU and barangays, tulungan nyo yung lugar nyo.

jessicamonido
Автор

Walang amount ng yaman ang makakapagayos talaga ng character, kabwiset si ate, halatang siya na nga mali, ano connect ng consistency?

shauncedricsangco
Автор

Dalawang Astig ng Clearing
Sir Gab Go and Sir Bong De Leon

Salamat po mga pag aayos nyo ng Kalsada and Bangketa 🤝🏻🤝🏻🤝🏻

florentinoeusebio
Автор

Good Job po Sir Gabriel go! Sana po tumakbo kayo ng Mayor!❤❤👍👍

MrMaharlika
Автор

Supportive ung opisyal ng pasig grabe nakakatuwa ! Napakaswerte ng pasig sa inyo!

raymaramante
Автор

Sana sa Maynila din ganyan 😢 maging full support din ang Mayor .

JAJATHES
Автор

Napansin ko parang pasig lang ang nagpadala ng sarili nilang sasakyan para suportahan yung clearing operation ng MMDA, good job mayor vico..watching here from singapore

AdududuAdadada-kd
Автор

Combination ng team ng sir gab at leadership ni mayor vico. Thumbs up 👍

carloreyes
Автор

Ganun dapat, active ang local gov't sa pag clearing operation para maayos ang kanilang nasasakupan! Good governance!!

edgarwong
Автор

GOOD JOB GENTLEMEN maraming salamat po sa inyong mga serbisyo

Sara.bu-ang
Автор

Inconsistent is not an excuse, kung di man sila consistent wag natin labagin ang batas dahil ang batas consistent pa rin yan. Nakakatawa mga nagsasabing hindi consistent sila, di naman mga robot mga enforcers natin na 24/7 buong metro manila hahalughugin nila.

cyrlangaming
join shbcf.ru