BINASTOS ni Rhenz ang mga KALABAN! | PINARANAS NA DATI KAY KOBE PARAS! | Rhenz Abando Highlights

preview_player
Показать описание
Atletisismo, yan ang tinataglay at baon-baon ng manlalarong ito. At huwag kalilimutan ang mahusay na timing at mataas na basketball IQ. Laking ginhawa marahil ng kolehiyo na kung saan siya naglalaro dahil para sa mga katunggali nito, siya talaga ang nagpapasakit ng kanilang ulo. Iyan ang delubyo na nagngangalang si Rhenz Abando. #Binastos #RhenzAbando #PUSOSports

Sumusuporta ka man sa kabila, o sa mismong sa kanila, minsan talaga nakamamangha kapag itong star player ng Letran ay lumipad na upang abutin ang mga tala. At minsan naman kapag sila naman ay nasa depensa magugulat ka na lang na bigla ka niyang lulundagan at sosoplakin ang bola.

Para sa inyo, sino ba ang kahawig ni Rhenz Abando kung playstyle ang titingnan? May mga nagsasabi na parang Cyrus Baguio ang galawan, Bong Alvarez, Klay Thompson at iba pa. Gayunpaman, maaaring natatangi rin talaga ang skill set nitong Letranista sapagkat may sapat din talagang liksi, talino, at tangkad.

Kapag umuulan ano ang iyong kailangan? Payong. Ito ang ginawa ng Letran noong nagtatangkang magpaulan ng mga puntos ang kabilang koponan. At hindi nagpahuli rito si Rhenz Abando. He was one of the players that stopped the rain, and the run. At sa kanilang mga pinayungang tira, ang momentum ng Perpetual ay nasawata.

Natatandaan niyo pa ba noong ginawa ni Abando ang halos parehong shot block sa dating kilalang player ng UP Fighting Maroons na si Kobe Paras? Talagang maraming bumukas ang mata lalo na’t itong si Rhenz ay unti-unting nagpapakilala na mahusay sa dala-dala ni Coach Aldin Ayo na sistema.

Ibang klase rin talaga marahil ang ensayo ng mga probinsyano. Kaya naman hindi talaga dapat basta-basta pinalalampas ang mga ganitong talento. Lalo na’t tila higit na maraming mga pagkakataong sa iba’t ibang liga ngayon ay makapaglaro. Kung magpapatuloy na ang karera nya ay ganito pa rin ang takbo, panigurado, future secured na ang mamang ito.

Anong masasabi ninyo kay Rhenz Abando? Kahit saang koponan ata siya mapadpad malaki ang impact. At kapag talagang may angking husay, marami talagang mapabibilib at hahanga sa iyo eh. Siguro ang ilan sa inyo, matagal na talagang sinusubaybayan itong si Rhenz – at kasama niyo ako roon.
__________________________________________________________________________________

Manood ng live!

Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!

This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.

Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Iba ang galing nya. College days ko s letran lgi ko watch ncaa s court at tv iba tlg. Congrats syo at a buo team! ARRIBA LETRAN!!

ronaldmcstay
Автор

Isa ito sa aabangan sa pba sino kaya ang makakuha sa kanya.. Magiging milyonario ito.. Bata pa malayo ang mararating🔥🏀💪

donmaranglerfishingadventu
Автор

Ang galing n rens abando maraming pahihirapan n team nyan...at swerte ang team n makakuha s kanya...ang galing..

dannymatunhay
Автор

Galing mo talaga idol 👍👍👍💪💪💪❤️❤️❤️ingat lage god bless u.

philipjohndablo
Автор

parang panahon namin nuong 90s! Ang init talaga ng mga dilag na studyante ng Letran!

jaggernaut
Автор

Basic move ang mga galawan. Pero ang lakas mo Renz keep it Up malayo ang mararating mo👍👍👍

randy.
Автор

Idol..nkita q n laru mu sa lcst..nung d2 kp sa pngasinan..mtunog kn nuon sa bsktbal..godblss

elimago
Автор

Sinayang siya ng coach d2 kaya deserve nya sa ibang bansa❤

zachapoyon
Автор

mahosay at may disiplina sa sarili at sa kapowa, un iba sumikat kahit sino inaaway pati amo.yan ang pleyer matalo manalo nag ppakumbba.

mariobalane
Автор

Future pba player na yan!at sana isang arawmapunta siya sa tamang team na aayon sa galing niya

rollieazanion
Автор

MAhusay Na bata SI.ABANDO MABAIT P AT WLANG YABANG SA LARO

alexlucio
Автор

Magaling talaga yang si Abando pweding pwedi nga yang maglaro sa Gilas.

tawinofficialtv
Автор

Rhenz Abando "Ang Probinsiyano" Congrats sa pagiging NCAA mvp at champion season 97.

ronaldalbino
Автор

Magaling Sir walang duda!
Sana ay makapaglaro sya sa gilas isang araw.

excalibur
Автор

Rhenz "AIR" Abando's body frame, athleticism, shooting form, moves like exactly Kenneth Duremdes.The only thing is AIR Abando has good ablity to defend, protect the rim and his hustles.

djskeedledoo
Автор

Now the Air Abando of Anyang KGC in KBL.. and the current Slam Dunk Champion...❤️🏀

olanidol
Автор

I want to see Rhenz in NBL or Euroleague one day.

mromneyobama
Автор

Parang Vergel Meneses at Kenneth Duremdes

junmatthewdelajoya
Автор

Galing talaga yan. Tama vergel menesse "THE AIRIAL"

johncarlopulupatan
Автор

Malupit talaga si lakay Abando proud ilocano lakay

andyvlogs