It’s Showtime June 11, 2024 | Full Episode

preview_player
Показать описание
“Kakaibang Tuesday” ang hatid ng It’s Showtime sa ating ngayong araw, June 11, dahil umpisa palang ay pinakitaan na agad tayo ng pangmalakasang performance nina “Popstar Royalty” Sarah Geronimo at “International RnB Sensation” Billy Crawford ng kanilang first-ever collaboration project na pinamagatang “MY MIND”.

Bukod sa nasabing single, ibinahagi rin ng dalawa ang kani-kaniyang projects at next collab na dapat nating abangan. Bilang dalawa sa ating Pinoy Pride sa larangan ng musika, hinimok din nila ang lahat na patuloy na mahalin at suportahan ang musikang sariling atin, o ang original Pilipino music.

Malugod ding pinaunlakan ni Billy ang request ng hosts na sayawin nila ni Jhong ang dalawa sa dance hits na madalas niyang sayawin kasama si Vhong Navarro noong siya ay host pa ng noontime program.

Patuloy na nakisaya si Billy sa kanyang dating co-hosts sa pamamagitan ng pagsali sa “Karaokids” segment.

Ang mga pares ng players na nagtulungan sa paghula ng mga kanta para sa araw na ito ay sina Ryan Bang at Darren Espanto, MC Muah at Karylle, Billy Crawford at Lassy, Cianne Dominguez and Jugs Jugueta, at Jhong Hilario at Teddy Corpuz. Sina Amy Perez at Jackie Gonzaga naman ang mga naging host, samantalang ang cute karaokids na sina Argus, Jaze, Briseis, at Kulot naman ang mga nagpahula.

Dahil sila ang unang naka-score ng 2 points, ang tandem nina Jhong at Teddy ang umusad sa jackpot round, kung saan nakuha nila ang grand prize na P50,000 matapos na mahulaan ang lahat ng tatlong kanta sa tulong ng madlang people. Si Cianne ang nabunot na mamahagi ng kanilang napanalunan sa madlang food cart vendors.

Strangers to best friends to lovers to exes naman ang naging takbo ng love story ng tampok na ex-couple at searchers na sina Dale at Red, kapwa galing sa Pampanga, sa “Expecially For You”. Ang dalawang taong pag-iibigan nilang nagsimula sa palitan ng mensahe matapos magtanong ni Red kay Dale tungkol sa mga binebenta niyang aso ay natuldukan matapos na makipaghiwalay ni Dale kay Red dahil sa kanyang personal problems at naramdaman din niyang tila napapagod na o nawawalan na ng gana si Red sa kanilang relasyon.

Dahil sa kanilang impressive na mga kasagutan sa bawat tanong ni Dale, ang tatlong searchees for the day na sina Trish, 22-year-old beauty queen ng Bulacan; Iah, 20-year-old singer at musician ng Cainta; at Alwina, 19-year-old psychology student ng Angono ay nakakuha ng tig-iisang green flag. Sa bandang huli, tila nakaimpluwensya ang opinyon ng kanyang ex na si Red sa kanyang pagde-desisyon sapagkat pinili rin ni Dale si Trish na maka-date.

Samantala, tinanghal naman na daily winner ng Tawag ng Tanghalan: The School Showdown sa araw na ito ang pambato ng Cornerstone College, Inc - San Jose del Monte, Bulacan na si Juary.

Natamo niya ang higit na mataas na markang 94% mula kina hurado Yeng Constantino, Klarisse de Guzman, at Louie Ocampo dahil sa powerful rendition niya ng “Dreamgirls” OST na “One Night Only”. Ang katunggali naman niya na si Jelyssa mula sa De La Salle – Lipa sa Batangas ay nakakuha ng 89% para sa kanyang performance ng “Narito Ako” ni Regine Velasquez-Alcasid. Nakatanggap si Juary ng cash prize na P10,000 at babalik sa darating na Sabado para sa preliminary round ng kompetisyon.

#ItsShowtime
#ShowtimeChill
#ABSCBNEntertainment
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Bravo Sarah and Billy. Good to see u in Showtime... Shout out from Kuwait. Love you showtime di kumpleto araw pag di kayo napanood. God bless you all and the 2 network ❤❤❤🙏🙏🙏

GenevieveVargas-rbhb
Автор

Nakaka-miss mapanood ang swabing sayaw ni Vhong, Jhong and Billy.

Beth-bd
Автор

Haiist meme vice arW araw akong nanunuod sa, showtym tlgang nkakawala k ng stress super tawa ako sau tlga at ky jhong anne vhong tlgang kumpleto rekados kau Gud job Godbless

ImeeCabreza
Автор

Wow!!!’ Ang galing.. ibalik nio na c Billy pls Meme Vice. Lalo ng gagaling ung showtime..We want more of Billy & Vhong

EdnaRoxas-wnsr
Автор

they can make a concert Billy and Sarah, very excellent dancers, artists and singers

casimiraganding
Автор

Gusto ko yunh episode napaka kalmado lang ng eksenahan❤️😃

korinaaragon
Автор

Wow! Best guest. God bless showtime and all of you.

cynthiavelasco
Автор

We want more of Billy👏👏👏pls meme vice balik nio na c Billy pra lalong masaya Tulad noon.. We miss you Billy❤️ Ang galing mopa rin.👏👏👏👏

EdnaRoxas-wnsr
Автор

Si Sarahl at Billy maganda magsama sa iisang concert dahil parehong magaling sumayaw qt kumanta mag e enjoy ka sa mga moves nila sa pagsayaw

charittecanaman
Автор

please bring Billy back sa showtime! we miss billy bong ❤❤❤

ryever
Автор

OMG!
Thank you It's Showtime for bringing back Billy Joe Crawford and the AMAZING and the ONLY ONE Sarah G 👏👏👏👏

gelinehan
Автор

Billy Crawford remains as one of the best male entertainer in the Philippines. 👍😍

ednapestano
Автор

Wow, happy to see back, Sarah and Billy👍

ofeliaciubal
Автор

Sweet naman ninyong lahat It Showtime Family❤

mramirez
Автор

Billy big comeback sa showtime please ❤❤❤❤

aldreneg.
Автор

Galing naman..Sarah G plus Billy, iba talaga ang Showtime👏

sandrabianca
Автор

Grabe episode ngayon pang saturday version❤️💚💙

BerAlilla
Автор

iba din talaga pag galawang Billy Crawford... Lab u sarrah g. kuys billy.. ibalik nyo na po

ailynrosell
Автор

IBA TALAGA DATING NI BILLY SA SHOWTIME LAKAS NG DATING HOPE MAKA BALIK SILA BILLY JUNG AND VHONG NAKAKAMISS

E.y
Автор

Opening na bongang bonga billy +sara g👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏

corazonorfano