Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 1 Oct 2024 7a.m.

preview_player
Показать описание
Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins
Martes ng Ika-26 na Linggo sa KARANIWANG PANAHON. October 01, 2024
Paggunita kay Santa Teresita ng Sanggol na si Hesus, dalaga

UNANG PAGBASA
Job 3, 1-3. 11-17. 20-23

Pagbasa mula sa aklat ni Job

Pagkaraan ng matagal na pananahimik, nagsalita si Job; sinumpa niya ang araw ng kanyang pagsilang.

Ito ang kanyang sinabi:
“Hindi na sana ako ipinanganak
at sana’y hindi ipinaglihi.
Bakit di pa ako namatay sa tiyan ng aking ina,
o kaya, noong ako ay isilang niya?
Bakit kaya ako ay ipinaghele pa,
inaruga, inalagaan, binuhay sa dibdib niya?
Kung namatay ako noon, ako sana’y tahimik na,
mahimbing na natutulog, wala nang iniisip pa.
Katulad ng mga hari at tagapamahalang pumanaw,
na nagtayo ng mga palasyo nang kanilang kapanahunan.
Sana, tahimik na ako tulad ng mga pinunong nakapag-imbak
ng ginto at nakatipon ng maraming pilak,
o tulad ng mga sanggol na patay nang ipanganak.
Yamang sa libingan wala nang gumagawa ng kasamaan,
at ang mga taong pagal ay nagpapahingalay.
Bakit pa isinilang kung magdurusa rin lang?
At bakit pa binuhay kung daranas ng kahirapan?
Kamataya’y hinahanap ngunit hindi masumpungan,
hinuhukay, dinudulang, parang isang kayamanan.
Sa kanila’y ubod-tamis nitong kamatayan.
Bakit pa isinilang ang tao kung wala rin lamang kaginhawahan?
Bagkus, hirap kabi-kabila ang nararanasan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 87. 2-3. 4-5. 6. 7-8

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Panginoong Diyos,
tumatawag ako sa iyo kung araw,
pagsapit ng gabi, dumudulog ako sa iyong harapan
ako ay dinggin mo,
pagdalangin ko ako ay pakinggan,
sa aking pagdaing ako ay tulungan.

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Ang kaluluwa ko
ay nababahala’t lipos ng hilahil.
Dahilan sa hirap
wari’y malapit nang ako ay malibing,
kabilang na ako,
niyong malapit nang sa hukay ilagak,
ang aking katulad
ay ang mahina na’t ubos na ang lakas,

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Ang katulad ko pa
ay ang iniwanan sa gitna ng patay,
animo’y nasawi
na nananahimik sa kanyang libingan.
Tulad na rin ako
niyong mga tao na iyong nilimot,
parang mga tao
na sa iyong tulong ay hindi maabot.

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Dinala mo ako sa may kadilimang hukay na malalim,
ang hukay na yaon
ay isang libingan na ubod ng dilim.
Ikaw ay nagalit,
at ang bigat nito’y sa akin nabunton,
ang aking katulad
ay ang tinabunan ng malaking alon.

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

ALELUYA
Marcos 10, 45

Aleluya! Aleluya!
Anak ng Tao’y dumating
upang sarili’y ihain;
Lingkod, Manunubos natin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 9, 51-56

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang nalalapit na ang panahong iaakyat si Hesus sa langit, ipinasiya niyang pumunta sa Jerusalem. Sinugo niya ang ilan upang mauna sa kanya. Humayo sila at pumasok sa isang nayon sa Samaria upang ipaghanda siya ng matutuluyan. Ngunit ayaw siyang tanggapin ng mga Samaritano sapagkat siya’y patungo sa Jerusalem. Nang makita ito nina Santiago at Juan ay kanilang sinabi, “Panginoon, payag ba kayong magpababa kami ng apoy mula sa langit upang pugnawin sila?” Ngunit bumaling siya at pinagsabihan sila. “Hindi ninyo alam kung anong uri ng espiritu ang sumasainyo,” sabi niya, “sapagkat naparito ang Anak ng Tao hindi upang ipahamak ang mga tao kundi upang iligtas sila.” At nagtungo sila sa ibang nayon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
#onlinemass #livestreammass #padrepiomass
Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL)
Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Mahal naming St Padre PIO muli yakapin po ninyo kami ng inyong mapagpalang panalangin at pagmamahal tungo sa aming kagalingan, kalakasan, kaligtasan, kapanatagan, ng aming katawan, puso, isipan at kaluluwa ipamagitan po ninyo kami sa ating Panginoong Hesukristo Our Divine Healer and Physician salamat po Mahal naming St Padre PIO salamat po sa pangalan ni Jesus amen po amen 🙏❤️🙏

rosanaromasoc
Автор

Lord Jesus Christ, Padre Pio, You Are My Light, My Strength, My Hope, And My Salvation, Please Help Me And My Daughter Amen 🙏

elisagravador
Автор

Good morning PADRE PIO. PRAY FOR ME PADRE PIO. I'm so stressed I'm totally alone HAVE mercy on me. Pray for me PADRE PIO. Amen AMEN

estrellarombano
Автор

Praise God, glory to you Lord Jesus, i trust in You 🙏🏽Amen

leilapena
Автор

St Padre Pio pray for us healing good health guidance and protection of my family relatives and friends especially my daughter and thank you for everything... In Jesus name Amen.

erlaalibuga
Автор

Thank you Padre Pio 🙏💕Thank you Lord for all the blessings 🙏💕Guide & Protect us always 💕🙏Amen 🙏💕

julitawalker
Автор

Santo Padre PIO, ebless mo ako sa Karam danan ko, at Ang mga kapated ko, Salamat sa Dios, Amen, Amen

josephinegallo
Автор

THANK You po God at Padre PIO sa Tulong nyo po mapawi mga Sakit sa aking ulo at katawan.Legs at Paa.Nawa bigyan nyo po Ako ng lakas mawala panghina ng pakiramdam ko po.Nawa Lumakas ang aking Immune system ko po.Lumakas Ang .mga Legs ko po at Paa.Umayos Ang Balanse ko po.pls.Hear our Prayers 🙏💖 Amen.Thank you po.Amen

catherinerivera
Автор

Saint Padre Pio Be Centre Of Our Life Amen 🙏 Thank You For The Gift Of Our Life Amen 🙏

elisagravador
Автор

Oh lord padrecpio pls help me and my family thank u lord amen🙏🙏🙏

FlorentinoTabilin
Автор

Thank you God St Padre PIO Mama Mary Blessed Sacrament for giving us all good health pls heal me all my illness praise the Lord Jesus Christ

fedepositario
Автор

Saint Padre Pio Please Guide My Daughter Amen 🙏 Enlighten Her Heart And Mind, Erase All Hatered And Her Mind And Heart, Thank You Mama Mary Please Heal Her Amen 🙏 Please Help Me Back My Daughter Us, Padre Pio Please Guide Me Give Strength And Hope Amen 🙏

elisagravador
Автор

Thank you Lord for all thevraces & blessings..God bless us..❤

teresitadown
Автор

Thank you so much Lord God Jesus Christ Holy Spirit and MamaMary ST.JOSEP 🎉❤🎉❤🙏🙏

agustinaebora
Автор

Saint Padre Pio Thank You For Everything You Given To Us, Please Pray For Us My Children My Grandchildren Protect Guide All Of Us, Forgive Our Sins We Commit Amen 🙏 Please Pray For My Son To Rebuild His Self And Family, Guide Protect Keep Him Safety, Padre Pio Please Help Me To My Children My Family To Be Together Again, Padre Pio Please Hear My Prayers And My Intention Amen 🙏 Padre Pio Please Bless All Of Us Amen 🙏

elisagravador
Автор

Papa Jesus thank you po for the gifts of life for your guidance and blessings that you give us everyday thank you papa jesus amen 🙏🙏♥️♥️

christinemanato
Автор

Thamks be to God, sslamat panginoon s lahat ng biyaya kaloob mo samin pamilya mga anak ko at apo, keep them safe from harm and free from any sickness..also give me strength, always in good health, in Jesus name i Pray🙏🏽Amen😊❤🤗✋💗

leilapena
Автор

Thanks be to god lord and jesus christ name padre thank unlord amen🙏🙏🙏

FlorentinoTabilin
Автор

Thanks be to god lord padre pio and my family thank lord padre pio amen🙏🙏🙏🙏

FlorentinoTabilin
Автор

Mahal na Santo Padre Pio please paayoha kami sa amon mga gna pang btyg lalo na ang mayoma sang aqn otod malooi ka Santo Pio buligi kmi sa ngalan ng Panginoong Jesus Amen maraming salamat po Amen🙏🙏🙏❤

gracedoble-mj