filmov
tv
Ang Tanging Alay

Показать описание
Ang liturhikong awit na ito ay nilikha ni Maestro Lester Delgado sa ikatlong libro ng kanyang Misa Delgado series na nilalaman ay mga Pilipinong Awit na Pangmisa para sa Adbiyento. Ito ay angkop na awit para sa Pag-aalay ng mga Hain sa Altar tuwing Panahon ng Adbiyento. Ang korong umaawit ay ang Maria Auxilium Christianorum Choir, isa sa mga regular choir ng St. John Bosco Parish sa Arnaiz Ave., Makati City. Ang orihinal na buong Misa ay mula sa Facebook page ng nasabing parokya.
Sa Paghahanda ng mga Hain na Alay sa altar, ang tinapay at alak na dinadala ay simbolo ng pakikiisa ng Diyos sa pamamagitan ng handog ng kanyang sambayanan. Ngayong Adbiyento, ang hiling natin na nawa tayo ay maging mabuti sa kanya at sa bawat nilalang, at maging tapat sa kanyang dakilang kalooban, upang makamtan natin ang kagalakan ng dala niyang regalo ng Pasko para sa atin: ang kanyang Anak, na si Hesus, na kapiling ang kanyang Sambayanan tuwing ipinagdiriwang ang banal na misteryo na ito.