PHILIPPINE MERCHANT MARINE ACADEMY, NAG-AANYAYA SA MGA GUSTO MAGING ISKOLAR | TV48 STATION

preview_player
Показать описание
PHILIPPINE MERCHANT MARINE ACADEMY, NAG-AANYAYA SA MGA GUSTO MAGING ISKOLAR

Inanyayahan ni Midshipman First Class Marc John Catañeto ang mga Novo Ecijano na pumasok at maging parte sa kanilang Long Blue Line sa Philippine Merchant Academy.

Isa ang PMMA sa tinuturing na pinaka matandang eskwelahan hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong Asia.

Nagsimula itong tawaging “Escuela Nautica de Manila” sa orihinal nitong lokasyon sa Intramurous, Manila.
Ilang taon ang lumipas nagkaroon muli ito ng panibagong pangalan at tinawag na Nautical School of the Philippine Island at nailipat ng lokasyon sa US Navy Warehouse sa Calle Sta. Elena, San Nicolas. Taong 1963 ito ay tinawag ng Philippine Merchant Marine Academy sa pamamagitan ng Republic Act 3680 at taong 1998 naman nailipat ito ng lokasyon sa San Narciso, Zambales.

Sa ngayon ay 204 years na itong nagbibigay ng serbisyo simula noong naitayo ito noong taong 1820.

Ilan sa mga kurso dito ay ang Sea man, Coast Guard, at Philippine Navy na may automatic commisionship sa Philippine Navy Reserved as Second Lieutenant pag nakapagtapos ditto.

Upang makapasok sa PMMA kailangang makapasa sa physical fitness requirements, 25 sit ups sa loob ng 2 to 5 minutes at 20 push ups sa loob ng isang minuto para sa mga lalake. Habang 20 sit ups sa loob ng 2 to 5 minutes at 10 push ups sa loob ng isang minuto para naman sa mga babae.

Nauna nang inanunsyo na ang entrance examination sa PMMA ay noong October 26, 2024 ngunit dahil sa bagyo ay nakansela ito. Ayon kay Midshipwoman De Leon ay mag antabay ang mga nagnanais maging parte ng PMMA dahil muli silang magbibigay ng panibagong date kung kalian itutuloy ang examination.

#balitangunangsigaw
#tv48station
#nuevaecija
#news