filmov
tv
KILALANIN ANG MGA ANAK NI LOU SALVADOR SR.

Показать описание
KILALANIN ANG ILAN SA MGA ANAK NI LOU SALVADOR SR.
Marahil ay nakarating na rin sayo ang sabi sabi na si Luis Lou Salvador Sr. ang may pinakamaraming anak sa kasaysayan ng showbiz industry. Ayon sa aming munting Pananaliksik ay umaabot lang naman ito sa 102.
Bago natin kilalanin ang ilan sa mga popolar na anak ni Lou Salvador ay balikan muna natin ang kanyang naging pamumuhay noon.
Si Lou Salvador ay isang sikat na Basketaball player kaya’t hindi malayong maraming mga babae ang talagang hahanga sa kanya. Naging isa rin siyang stage actor at naging talent manager. Siya ay tubong Tacloban, Leyte. Nagtataglay rin si Lou ng isang magandang lahi dahil ang kanyang ama ay isang Spanish at ang kanyang ina naman ay isang German Meztiza.
Sa edad na 17 ay nagsimulang maglaro sa national basketball si Lou sa 1921 Far Eastern Game na ginawa sa Shanghai. At sa mga taong 1923 at 1925 ay nagwagi ng gintong medalya ang Pilipinas sa Far Eastern Games. Isa rin si Lou sa mga kinilala sa kanyang galing sa basketball dahil sa pag score ng 116 points sa isang laro.
Simula naman noong 1925 ay naituon ni Lou ang kanyang atensiyon sa pagiging film actor. Itinayo rin niya ang Master Films production company at naging director sa mga pelikulang Manuel Conde’s Genghis Khan, Bad Boy at Barkada.
Dahil sa kisig ng pangangatawan, gandang lalaki at kasikatan ay tinatayang 48 mga babae ang kanyang napaibig at mula sa mga ito ay nagkaroon siya maraming mga anak. Narito’s kilalanin natin ang ilan sa mga sikat niyang anak mula sa dating niyang asawa at mga partners kabilang na sina Jessie Salvador, Corazon Gonzales, Lydia Kelly Gomez, at Mary Walter.
1. Leroy Salvador
Si Leroy ang sinasabing pinakamatanda sa magkakapatid. Siya ay isang director ng mga pelikula at palabas. Si Leroy Salvador ang ama ng mga sikat ding aktres na sina Jobelle Salvador at Debora Sun.
2. Lou Salvador Jr.
Isang sikat na aktor din si Lou Salvador Jr gaya ng kanyang ama. Tinagurian siyang The James Dean of the Philippines dahil sa pagkakahawig ng kanilang hitsura. Matapos na mag retiro sa paggawa ng mga pelikula ay namuhay si Lou Salvador Jr. sa Las Vegas, Nevada. Doon rin siya binawian ng buhay noong 2008 dahil sa lung cancer sa edad na 67. Siya ay anak ni Lou Salvador Sr. kay Jessie Salvador.
3. Alona Alegre
Si Maria Lourdes Salvador o mas kilala natin bilang si Alona Alegre ay isa ring sikat na aktres. Una siyang gumanap bilang isang batang dukha na nakatira sa barong-barong noong 1955 sa pelikulang LVN Picture na pinamagatang Tagapagmana.
Siya ay naging isa sa mga pangunahing bituin noong dekada 70. Naging bantog sa mga tauhan na kanyang ginampanan gaya ng sa pelikulang Gabay ng Magulang. Isinilang siya noong 1948 at namayapa noong 2018.
4. Mina Aragon
Si Mina Aragon ay isa ring aktres na nakilala sa mga palabas na Sakristan Mayor noong 1961, Hinahamon kita, at Masikip ang Daigdig noong 1962. Siya ay asawa ng Viva Big Boss na si Vic del Rosario Jr at nagkaroon sila ng anak na si Divina Vanessa.
5. Philip Salvador
Isa sa mga batikang aktor sa bansa si Philip Salvador. SIya ay nakatanggap ng tatlong FAMAS award dahil sa kanyang husay sa pagganap sa telebisyon at mga pelikula. Mula sa pinakauna niyang pelikula na Adios Mi Amor noong 1971 hanggang sa mga maaksiyong pelikula gaya ng Hayop sa Hayop, Cain at Abel, Kumander Dante, Bobby Barbers, Parak at marami pang iba ay pinatunayan ni Philip ang kanyang husay sa piniling karera.
Nagkaroon naman ng mga anak ni Philip na sina Denise at Joshua.
6. Ross Rival
Si Rosauro Reyes Salvador o mas kilala natin bilang si Ross Rival ay ang ama ng sikat na kapamilya aktress na si Maja Salvador at ng lima pa nitong mga kapatid. Ang kanyang ina ay si Jessie Salvador. Isinilang si Ross noong October 7, 1935 sa Quezon City.
7. Jumbo Salvador
Isa rin aktor si Jumbo Salvador. Lumabas siya sa mga pelikulang Alakdang Gubat noong 1976, Cain at Abel noong 1982 at Bato sa Buhangin noong 1976.
Sila ay ang mga sikat lamang na anak ni Lou Salvador Sr. Karamihan sa 102 mga anak ay pinili ang mas pribadong pamumuhay.
👇🔔 Click the link below! SUBSCRIBE HERE for more videos:
💛 Check out our TOP PLAYLIST - more videos for you to enjoy here:
CELEBRITY NEWS
MGA ANAK SA IBA'T-IBANG BABAE
TOP 5/ TOP 10 LIST
👍📢 If you enjoyed our video LIKE and SHARE this and tell us if you have any VIDEO REQUEST. We'd love to see your comments below!
💕 Connect & Follow us HERE:
#Subscribe4More
#LikeAndShare

Комментарии